Chapter 12 Mariposa's POV PAGISING ko sa umaga naupo muna ako sa aking kama bago tuluyang gawin ang pang araw araw na routine. Halos buong gabi kasi akong 'di masyadong nakatulog dahil sa mga pinag sasabi sa akin ni Duke. Kumunot ang noo ko no'ng maalala ko pa na aalis raw siya ngayon. "Date lang sa Germany pa talaga? Gano'n ba ka espesyal ang babae na ede-date nito?" Napatingala ako sa puting kisame at iwinaksi ko iyon sa aking isipan. Ayaw kong isipin iyon dahil naririndi ako. Iwan ko ba kung bakit ganun nalang ang epekto sa akin nang lalaking 'yun. Isa pa, markado na raw ako ng isang Alcantara at sa pagbabalik nito, ay sa kanya niya ako. Hanep! Lakas ng helium sa ulo! Bumaba ako na ako ng kama matapos kong mag inat ng katawan. Tumungo ako ng tokador ko upang kunin iyong mga gamit