KENN POV. Habang nakahiga si Samantha at masarap ang tulog ay wala akong ginawa kundi titigan ito at haplusin ang buhok. Noong umalis ito tatlong taon na ang nakalipas ay sobra ang sakit na aking naramdaman lalo pa at isinama nito ang aming anak na si Ken Ken. Para akong mababaliw sa araw-araw na lumilipas, hindi makatulog at laging tulala kaya sa kawalang pag-asa ay nasumpungan ko na lamang ang aking sarili sa isang lugar na akala ko ay doon na matatapos ang buhay ko. Sa hirap ng dinanas ko sa loob nang tatlong taon na training, dugo, pawis sa ginagawang pagpapahirap nang mga superior at luha sa tuwing gabi na nag-iisa ako dahil sa pangungulila sa anak at sa babaeng mahal ko. Hanggang sa pagdaan nang mga araw ay unti unti akong naging matatag, strong at matapang humarap sa mga pagsubok.