GULAT man dahil sa pamilyar na boses, sinikap ko pa ring gumalaw. Humarap ako sa kanya at itinulak siya. Hinawakan ko nang mahigpit ang baril at itinutok iyon sa kanya. Kahit sabihin nating madilim ang bahagi kung nasaan siya ngayon, sa taas at hubog ng katawan niya pa lamang, nakakasigurado na agad ako kung sino ito. “Mattheus…” Parang ang tagal na simula nang huli kong mabigkas ang pangalan niya. Halos isang buwan na rin simula nang huli kong matawag ang pangalan niya. Tinangka niyang humakbang papalapit sa akin pero hindi ko iyon hinayaan. Galit ako sa kanya, pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin ang lalaking ito. Alam ko, sa oras na malapitan niya ako, maaari akong traydorin ng nararamdaman ko. Kaya habang kaya ko siyang pigilang lumapit sa akin, pipigilan ko. I need my rati