DAD was discharged from the hospital but he’s attending physical therapy. Pumunta ako sa bahay namin nang sa ganoon ay makasabay ko naman ang pamilya ko kahit sa breakfast lang. Naabutan ko sina Yvo at Silver, deep in conversation, while descending the stairs. Nang makita nila ako, agad silang tumigil sa pag-uusap. “Good morning!” masigla kong bati sa kanila. Tipid akong tinanguan ni Silver habang si Yvo ay ngumisi. “Good morning, sis.” Hinalikan ako ni Yvo sa pisngi nang makalapit siya sa kinaroroonan ko. “Morning,” bati naman sa akin ni Silver at hinalikan din ako sa pisngi. Sabay-sabay kaming pumunta sa dining hall. Naabutan namin sina Dad at Mommy. “I didn’t lose my hands, moglie, I can eat.” Napangiti ako nang iyon ang bumungad sa aming magkakapatid. “Fine.” Sumuko na si Mo