“HELLO? Did you hear me? I am asking, where are you going and taking my wife with you?” Tinangka kong gumalaw pero it’s useless. Paralisado pa ang katawan ko. Mattheus is here, pero hindi ko alam kailan pa siya naririto. Wala akong narinig na pagbukas ng pinto ng sasakyan. Does that mean, kanina pa siya rito? Hindi nakapagsalita ang lalaking kumuha sa akin. Kagaya ko ay halatang nagulat dito ito dahil sa biglaang pagpapakita ni Mattheus. Mabilis na gumalaw ang lalaki at tinangkang kunin ang baril sa waistband niya ngunit mas mabilis si Mattheus. May kinuhang dagger si Mattheus at sinaksak ang kamay ng lalaki. Nakarinig ako nang malakas na pagsigaw mula roon dahil sa ginawa ni Mattheus. “Answer me before I make your head explode.” Mattheus is so calm. Dangerously calm. Mas nakakatakot