NAGPALIWANAG ako sa pamilya ko. I told them that I was kidnap but eventually escaped. Hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang dumukot sa akin. I hate myself for lying to my family, pero alam ko na kailangan ko rin. Sabi ni Mommy sa akin, ang importante raw sa kanya ay ligtas ako. She was so worried about me. Dad feels the same pero ipapahanap niya pa rin ang kung sinong nasa likod ng pagdukot sa akin. My brothers on the other side, alam ko na…hindi silang kumbinsido sa mga sinabi kong dahilan kaya ako nawala ng ilang araw. Tinitigan nila ako na akala mo ay hinuhuli nila kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Nagpanggap na lamang ako na wala akong itinatago. Doon ako kumain sa bahay ng mga magulang ko. Panay ang pakikipag-usap sa akin ni Mommy dahil nag-aalala pa rin siya. Tinatanong