WE’RE now heading to the De Crescenzo compound in an exclusive subdivision in Manila. We have a family dinner at gusto ng ibang miyembro ng pamilya ni Mattheus na pumunta kami. Mattheus’s father isn’t here, kaya kami lamang ni Mattheus ang haharap sa ibang relatives niya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng kaba ngayon. Kung noon ay gusto kong ayawan nila ako, ngayon naman ay gusto ko na paboran nila ako. I have this feeling na ayokong pagsisihan nila na ikinasal si Mattheus sa akin. Grr! Stop thinking, Maxine! Sinalubong kami ng isang butler nang makarating kami sa bahay nina Remo. Rito ata gaganapin ang family dinner ng mga De Crescenzo. Kapag talaga malaki ang pamilya, kaugalian na ang mga ganitong family dinner. Bago kami makapasok sa loob ng bahay, hinawakan