NASA ospital ako ngayon para sa check-up ko. Gusto kasi ng pamilya ko na masiguradong maayos ang kalusugan ko. Mukhang hanggang ngayon ay natatakot sila para sa akin. Kahit naman ako. Ang hirap gumalaw. Minsan iniisip ko ay bigla na lamang akong aatakihin at tuluyang mamamatay. My parents asked my doctor if we could do a heart transplant. Pwede naman daw pero sabi ko, kung hindi naman kailangang-kailangan ay huwag na lang. Aalagaan ko na lang ang sarili ko. May mas mga malalang kondisyon kumpara sa akin at mas kailanganin nila iyon. “Good, Maxine. Maayos naman ang health mo. Magandang indikasyon din na walang kahit anong paninikip ng dibdib nitong nakaraan according sa ‘yo.” Naninikip lang naman ang dibdib ko kapag naandiyan si Mattheus. Doon lang naman nagwawala ito. On normal days, na