"More intense eye contact," utos ni direk.
"Damon, kiss her right hand gently," utos ulit ng direktor na kaagad namang sinunod ni Damon.
"Vawn, show a sad smile and match it with your eyes," and I did what I was told to do.
"Nice! Cut!" Kaagad na lumayo kami ni Damon sa isa't-isa.
Lumapit kaagad sa akin si Mickey. "I'm so proud of you," bulong niya na ikinangiti ko.
Noon ay naiimagine ko na ang sarili ko sa isang Music Video kasama ang mga kagrupo na naiwan ko. Hindi ko inakala na mauuna pala ako sa kanilang mag-shoot ng Music Video, hindi ko nga lang sariling kanta.
After a short break, tinawag na kaagad kami ni direk. May hug sa scene na gagawin namin. Akala ko mahihirapan ako na gawin 'yon but Damon made it easy for me, and I thanked him for that!
Surprisingly, we wrap up earlier than expected.
"Give Damon and Vawn a credit kung bakit maaga kayong makakauwi, guys. Because they did well!" Nagpalakpakan naman ang mga staff at nag-thank you sa amin ni Damon.
At dahil iisang company lang naman kami ni Damon ay iisang van lang ang sinakyan namin pauwi.
"Uy, may pa dinner daw si big boss!" Maraming boss sa TalentFuse but I'm pretty sure na si sir Fred ang tinutukoy niya na big boss.
"Daan ka saglit," bulong ni Mickey. Pero narinig iyon ng manager ni Damon na nasa likuran namin. Nasa unahan kami ni Mickey tapos isang assistant habang nasa likuran naman namin si Damon at manager niya tsaka isa ring assistant na naka-assign sa kanila.
"Bakit? Uuwi ka na kaagad Vawn?" Tanong ni Ceddy, ang manager ni Damon na gay rin.
"Opo sana..." sagot ko.
"Naku, parte kayong dalawa nitong alaga ko sa paghahandaan kaya dapat nandon ka rin."
Kaya ang ending, sa halip na magpa-drop na ako sa Makati ay dumiretso pa kami ng Ortigas since may company dinner.
"Let's celebrate everyone's effort to make this happen!" Sigaw ng manager ni Calleb. Nagpa dinner si sir Fred but he is not here, kaya wala rin si Dwayne. Well, hindi ko naman siya hinahanap. Kaya lang siya sumagi sa isip ko dahil sa tuwing nakikita ko si sir Fred ay matik nakabuntot siya.
"Congrats," bati ko kay Calleb.
Napakamot siya sa ulo niya, "wala pa nga eh."
"I believe it's gonna be a hit," I smiled.
Dahil maraming makakarelate na teenager, tiyak. Ang title ng kanta niya ay 'Sana'y Maulit Muli' title pa lang halatang masakit na. It was about the two lovers who didn't make it. Ang pinapakita sa MV ay masasayang nakaraan ng magkasintahan at mga imahinasyon nila sa kasalukuyan. Pareho silang umaasa na sana maulit pa ang nakaraan, na sana ay manatili na lang sila sa nakaraan because they both grow apart. So many changes that caused them to separate.
"Thank you, magiging hit talaga. Kayong dalawa ba naman ni Damon nasa MV eh." Tumawa siya.
"Heard my name," Damon joined us. "Anyway, congratulations." Baling ni Damon kay Calleb.
Nasa MV din naman si Calleb. Pasulpot-sulpot na kumakanta. Tapos meron ding kuha sa ending na kaming tatlo ang naroon. Nasa unahan si Calleb habang kumakanta, nasa likuran naman kami ni Damon- just staring at each other.
"It was nice working with you guys," I said. "I gotta go first." Pamamaalam ko.
Nagpaalam na rin ako kay Mickey.
"Sabay na tayo, wala kang car na dala 'di ba? Hatid na kita." Alok ni Mickey.
"I'm good, mem. Nakapag book na ako ng grab," I showed him my booking kaya wala na siyang nagawa. Tsaka kailangan niya pang makihalubilo sa iba kaya ayaw ko siyang abalahin pa.
Leaked convo of Heather and Azzura?
Just in: leaked conversation of Azzura and Heather
Those headlines greeted me on a bad morning. I checked the leaked conversation. It was a conversation over the text, naka-iMessage pa.
Azzura: please...clear my name. Hindi kita sinampal. Alam mo 'yan, I know gusto mo nalang manahimik pero isipin mo naman ang pinagsamahan natin. Please…
Heather: nababash ako ngayon ng mga fans mo dahil ka-love team ko si Steven. I have so much on my plate and I don't want to be out to the media at this moment.
Azzura: alam kong trabaho lang talaga ang sa inyo ni Steven. But you knew na hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. Why did you accept him as your ka-love team?
Azzura: I'm not angry...I'm just hurt.
Naka-crop ang conversation na 'yon. I don't even know if it was made up or what. Dahil sa teknolohiya ngayon ay kayang kaya nang pekein halos lahat.
W-wait. My sister's phone!
Natampal ko ang noo ko. Bakit ngayon ko lang naalala ang tungkol sa phone niya? Was I that occupied not to think about her phone?
Pero saan ko hahanapin ang phone niya? No, kanino?
Unang sumagi sa isip ko si ate Jina so I dialed her number. Out of coverage area, ngayon pa talaga? Pero pinaulanan ko na rin siya ng text.
Today is Sunday, no workshop kaya malaya akong makakapag liwaliw. Hindi ko pwedeng puntahan si ate Jina sa ArtiSoul Agency kaya mas pinili kong puntahan siya sa bahay nila.
I pressed the doorbell. Ilang minuto pa bago may nagbukas ng gate nila. Dinayo ko pa itong Quezon City para lang puntahan siya.
"Si ate Jina po?" Tanong ko sa nagbukas ng gate na sa tingin ko ay katulong.
"Ay, matagal nang hindi umuuwi rito si ma'am Jina." What?
"A-ah...saan po siya pala umuuwi?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko rin alam, hija. Sa katunayan ay hinahanap din siya ng mga magulang niya, tinatawagan namin pero hindi naman nagri-ring ang cellphone niya."
Bigo akong umalis. Wait, kung sa kwarto ko si ate nagpakamat*y...edi naroon lang sa bahay namin ang cellphone niya?
I dialed auntie Louria's number.
"Hello? Auntie...alam mo po ba kung nasaan ang cellphone ni ate?" Panimula ko nang sagutin ni auntie ang tawag.
"Naku, hindi ko alam Shiyo." Sagot niya mula sa kabilang linya.
"Nakay mama po kaya, auntie?" Pagbabakasakali ko.
"Hindi ko talaga napansin, Shiyo. Hayaan mo, hahanapin ko sa bahay niyo."
Nagpasalamat ako kay auntie bago ko ibaba ang tawag. Gustuhin ko mang ako mismo ang maghalungkat pero may workshop ako bukas. Baka manlata na ako kung babyahe ako na ako ang magda-drive at balikan pa.
The leaked convo spreads like a wild fire online. Some say it was edited and some say it wasn’t. Base sa pagkaka-screenshot ay mula sa phone ni ate galing ang conversation kaya ang opinyon ng iba ay sinong nag-screenshot gayong wala na si ate ang iba naman ay sinasabi na noon pa siguro ‘yong screenshot tapos sinend ni ate to one of her friends then that friend leaked the photo.
Pero kahit pa hindi ako sigurado kung totoo ‘yon ay nag-init nanaman ang dugo ko kay Heather. That b*tch! Hindi ako mapakali, I need to know the truth. I need to find ate’s phone.
“Oh, Shiyo. Ang sabi ko ay ako na,” nagmano ako kay auntie Louria. Yes, umuwi talaga ako rito sa Batangas para hanapin ang cellphone ni ate.
“Ayos lang po, auntie. I’ll help you.”
Pero inabutan na kami ng gabi ay hindi namin nakita ang cellphone ni ate. I checked in my room, in ate’s room, and mama’s room. Wala talaga.
Isa lang ang nakikita kong solusyon. Ang puntahan si mama, sinamahan pa ako ni auntie kahit na mag-aalas otso na ng gabi.
“Doc, kumusta po si mama?” Binibigyan naman nila ako ng update pero ni-isa roon ay walang maganda.
“We are almost done assessing her. And more likely… I’m sorry but she has to stay here for a long time,” although I already expected this based on their update…nakakapanlumo pa rin.
We went to my mother’s assigned room. Nadatnan namin siya na nakatulala.
“Ate,” si auntie Louria. Siya ang naunang lumapit kay mama.
“Ma…” napatingin sa akin si mama.
“Shiyo…” I was shocked because she recognized me. “Ilabas mo na ako rito, anak. Hindi naman ako baliw,” hinawakan niya ang kamay ko.
“Ma, mas maaalagaan ka nila rito,” marahan kong sabi.
“No, I want to go home. Please, anak.”
Anak…
She doesn't usually call me anak, si ate lang. Kaya, this feels so good.
I shook my head and that caused her to change her mood.
“Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi talaga kita maaasahan! Hindi ka katulad ng ate mo!” Bigla siyang naging aggressive. Lalapit na sana ang mga nurse sa kanya pero sumenyas si auntie na huwag.
“Ate, mas mabuti nga na narito ka para mas maaalagaan ka,” kalmadong sabi ni auntie kay mama.
“Hindi! Ayaw ko rito! I have so much to do outside. Hindi ko madadalaw dito si Azzura kaya ilabas niyo na ako!”
Lumapit na ang mga nurse dahil naging bayolente na si mama.
“Ma, nasaan ang cellphone ni ate nakalagay?” Deretso kong tanong habang nasa katinuan pa siya.
“Nasa ak- hindi! Hindi ko alam!” Umiling-iling s’ya.
“Hindi ko talaga alam! Wala siyang cellphone. Nasira!” Kumunot ang noo ko. Kausap ako ni ate bago siya mamatay kaya impossible ang sinasabi ni mama na sira.
Bigo akong umuwi pabalik sa Makati. I was so tired that I fell asleep on my couch. Gumising akong masakit ang katawan dahil sa balikan na byahe at sa upuan pa ako nakatulog.
Parang zombie akong pumasok sa TalentFuse. Dead tired and I didn’t get enough sleep last night.
“Good morning, Vawn!” Bati ni Valentina.
“Good morning,” tipid kong bati, umupo ako sa tabi niya. Nandito kami sa rest area, humalumbaba ako sa lamesa. “I’ll take a nap,” maaga pa naman kasi.
“Puyat ka?” Hinawakan niya ang ulo ko at dahan dahang sinusuklay ang buhok ko which made me fall asleep faster.
Nagising ako dahil sa ingay, wala na si Valentina sa tabi ko pagkagising ko but she left a note saying she has to go dahil mag-i-start na ang training niya.
When I checked the time I was dumbfounded because I was asleep for 3 hours! That was supposed to be a 5-minute nap! I grabbed my duffel bag and went straight to the acting studio.
“Saan ka pupunta, Vawn?” Nakasalubong ko si Mickey.
“Workshop?” Bangag kong sabi.
“Wala kang workshop ngayon,” WHAT? I’m pretty sure that I am supposed to be in the workshop right now. “May movie kang pag-o-auditionan sa susunod na araw kaya stop ka muna sa workshop.”
Lito ko siyang tiningnan dahil hindi naman siya nag-sabi. Argh.
“I just received the news today, ‘kay? Actually I was on hunt kung saang project kita pwede ipasok pero nauna nang magbigay ang head ng project na pwede mong kunin. Of course, you have to audition, hindi free pass. Here,” inabot niya sa akin ang clear folder na may dokumento sa loob.
“Tsaka ang sarap ng tulog mo sa rest area kaya hinayaan na muna kita. Pag-aralan mo ‘yang script, bagay na bagay sa’yo ‘yang movie na ‘yan. Magsisilbing debut mo ‘yan kaya do well.”
“Alright.”
I scanned the script and some details of the story. Hindi main role ang tinatarget ko kung hindi supporting role. Mamamatay pa nga sa kwento ang character na ini-aim ko eh. Rebellious and not so bad girl naman, kasi namatay siya dahil iniligtas niya ang main character.
Pagkatapos ko tingnan ang clear folder na binigay ni Mickey ay pinuntahan ko siya sa office niya.
“Kita mo na?” He asked.
“Yep,” marahan kong sagot.
“You might be wondering why the management didn’t aim for you to get the main role,” he paused. I nodded, “para ma-curious sa’yo ang mga tao. This is a challenge for you as well, you have to standout in your own way kahit hindi ikaw ang bida. Kailangan ay isa ka sa hindi makalimutan ng mga tao.”
Oh, kaya pala. Marketing strategy, sana ay hindi ko sila mabigo.
“You don’t have to come here tomorrow. Mag-ready ka, I trust your fashion kaya alam kong kayang kaya mong nang pagdesisyunan kung ano ang isusuot mo,” kumindat pa siya.
Movie… I have to pull this off so I can move further.
“Had a good nap?”
“Oh, Jesus!” Malalim ang iniisip ko, hindi ko napansin na kasabay ko na palang maglakad sa hallway itong si Dwayne.
“Dwayne is the name,” sinamaan ko siya ng tingin. So, what?
“Are you ig-,”
“Kuya!” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil may tumawag sa kanya. “Oops, sorry. Sir, Dwayne.” The girl smiled sheepishly.
Binilisan ko ang lakad ko para mauna na ako sa kanya. I smirked when the girl was holding him up.
Nice, kid.
“Not that fast,” I was about to close my car door when he suddenly appeared out of nowhere.
Tamad ko siyang tiningnan, “What?”
“What’s wrong with kids today?” Iritado niyang sabi.
“Excuse me? I’m not a kid!” Parang kanina lang ay tinawag kong kiddo ‘yong Rein and now bumalik na kaagad sa akin. Wow.
Tinatant’ya niya ang mga tingin niya sa akin, seriously. What’s with this guy?
“You didn’t even thank me,” madilim ang mukha niya.
“For what?”
“For letting you sleep?” I gave him a what-the-fvck-are-you-talking-about look.
“Once upon a time, there was a girl who was really tired and wanted to get some sleep but she had chores to do so she shouldn’t be sleeping. But the prince saw her and gave her mercy so the prince ordered the palace not to give the girl work to do. Instead, the prince ordered the palace to change the supposed work of that girl on that day so she could rest.” Tuloy-tuloy niyang sabi.
“I don’t have time for your sh*ts, sir. Now, excuse me,” he didn’t let me close my door, “what the heck is your problem?!”
“Let’s make a deal, happy?” Siya pa ngayon ang tila nauubusan ng pasensya when in fact it should be me!