Confrontation

2465 Words
Napangiti ako nang matapos ang performance nila Valentina. Because she did well! She listened to me. “Let’s go,” panira nanaman si Dwayne. “What? Where?” “Just follow me,” why is he being bossy? Argh. I saw some people were looking at us. “You should stop hanging around me if you don’t want to attract rumors between us,” chill kong sabi nang nasa elevator na kami. “You are overthinking, this is TalentFuse. No one will spread such a thing or they’ll be doomed,” bakit ba ang badtrip niya? “Hindi mo sure,” pabalang kong sagot. Binuksan niya ang passenger seat niya, “nah, I’ll be driving my own car, you go ahead. I’ll follow you.” Saad ko. Buti na lang at hindi na siya nakipag-away pa. We went to the same place. Madalas siguro siya rito talaga. He ordered foods pagkaupo na pagkaupo namin. “So, what do you think of their performance?” Seryoso niyang tanong. “Still unbalanced. Some are synchronized and some are not. Nandoon pa rin ang pagsasapawan minsan. Hindi rin balanse ang lines nila, mayroong mas marami at may halos wala.” I wonder who distributed the lines. “Rein got it more?” Marahan akong tumango. “Yes, si Inara naman ay halos wala. It wasn’t a fair fight at all.” He was writing something on his small notebook. “Alright. Thank you.” And now he is portraying a different character? Siraulo ba ‘to? “Who do you think performed the best? Individually,” he pursed his lips. “Overall, Valentina. When it comes to vocals, si Graia, dancing…si Valentina. Not because she’s my friend or something. She just did well today,” depensa ko kaagad. “Today, does that mean from the previous performances, she was not doing well for you?” Tanong niya ulit. Marahan akong tumango, “in the past, kagaya ng iba ay nasasapawan niya rin ang kagrupo niya. Her energy was not balanced. She wasn’t relaxed as well. But today, she looks like she’s enjoying what she’s doing.” “Perhaps you said something to her since she’s your friend?” For some reason, I wasn’t offended by his tone. “I did. Pinag-perform ko siya sa harapan ko last week because she thinks something is off with her. I then told her my observation. I also taught her a breathing technique. She applied them all… I think,” mahabang paliwanag ko. “It wasn’t a fair fight. You taught her.” Nalaglag ang panga ko sa kanya. “You should’ve advised the others too,” is he for real?! “Am I their coach?” Inirapan ko siya. Tumunog nanaman ang phone ko, hudyat na may tumawag. “Excuse me, I have to take this call.” I excused myself when I saw who’s calling. “Auntie,” “Shiyo, pasensya ka na pero makakauwi ka ba? Si ate kasi, nagwawala at hinahanap ka raw sabi ng doctor. Kahapon din ay nagwawala siya, hindi ako makakapunta at may mahaga akong lakad e,” bungad ni auntie mula sa kabilang linya. “O-okay po, auntie. Uuwi po ako, sige po. Salamat.” Pagkababa ko sa tawag ay tinahak ko na ang parking lot. I messaged Dwayne that I have an emergency. Dumiretso ako sa institute kung nasaan naka admit si mama. When I got in here it was a mess. Nagkalat ang mga gamot at pinapakalma siya ng mga nurse. “Ma,” tawag ko sa kanya. “Shiyo, Shiyo palabasin mo na ako rito. Please ilabas mo na ako rito,” napakagat ako sa labi ko. “Ma…h-hindi pa pwede,” sagot ko na ikinagalit niya. “Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?! Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo!” Idinuro pa niya ako. Tiningnan ko ang kabuuan niya, s-she’s really in mess. Ang eleganteng ina na kilala ko noon ay wala nang bakas sa kanya ngayon. Kailan ba nagkaganito ang lahat? Napahilot ako sa sentido ko. If only my father didn’t leave us for a woman, maybe…just maybe…maybe we aren’t like this now. Gusto kong may sisihin sa lahat ng nangyayaring ‘to. I blamed the people who made my ate do such a thing, I blamed my father for leaving us kaya mas lalong naging kumplekado si mama. Did I ever commit a grave sin in my past life? Bakit naman ganito… I couldn’t understand my feelings. Kaya pinuntahan ko ang taong paglalabasan ko ng galit. Ang aking sariling ama. Kahit galit na galit ako sa kanya noon pa ay hindi ko pa rin maiwasan alamin ang kalagayan niya kaya alam ko kung nasaan ang factory na pagmamay-ari niya. Nakatayo ako sa labas mismo ng factory habang nakatingin sa gate. Halos maghahating gabi na pero umaasa ako na nandito siya. Hindi nga ako nagkakamali. Nailawan ako ng isang sasakyan na papalabas, huminto iyon at iniluwa si papa. “S-shiyo?” Hindi ako nakasagot. Kanina lang ay handang handa na akong sigawan siya at sisihin pero ngayon ay tila napako ang dila ko. Magkahalong pangungulila at galit ang nararamdaman ko sa kanya. “Shiyo, ikaw nga!” Tuluyan siyang lumapit sa akin pero tanging masasamang tingin lang ang naigawad ko sa kanya. “M-may problema?” Hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong iniwas ‘yon. Sarkastiko akong napatawa, “you left us yet you think there’s no problem at all?!” Inis kong sabi. “Shiyo, pasensya na pero ayon ang sa tingin kong tama na gawin noon,” I saw a hint of sadness in his eyes. “Ang iwan kami para sa kabit mo?!” Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. “Alam mo ba kung napaano si mama noong iniwan mo kami? She lost all her confidence when you left! Ate was having a hard time compensating mama’s loss! And she became more distant to me because of you! All because of you!” I let my anger out to him. “Alam kong mali na iniwan ko kayo pero hindi rin tamang hindi ko panindigan ang anak namin ni Kleya.” “Anak mo rin ako papa!” Hindi ko maiwasang ipakita ang sakit sa boses ko. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. As much as I don’t want them to fall but I couldn’t help it. I’m in pain, mabuti pa ang anak niya sa babaeng ‘yon naisip niya pero ako hindi. “Oo, anak na rin naman ang turing ko sa’yo Shiyo kaya hindi madali sa akin ang iwanan kayo,” malumanay ang boses niya. “Wala ka pang muwang ay naroon na ako, tinuring kitang anak ko- maniwala ka.” “T-tinuring? Ano ang ibig mong sabihin?!” I-is he also denying me as his kid? Tiningnan ko siya sa mata, at nakita ko roon ang sagot. Marahan akong napailing. “Are you saying that you are not my biological father?!” Sa huli ay nabasag ang boses ko. No, hindi ‘to totoo. Hindi! “I wished I am, maniwala ka Shiyo dahil gustong gusto kitang dalhin noon. Itatakas sana kita noong wala ang mama mo pero naroon si Azurra. She said you are her only warm, nakiusap siya sa akin na huwag kang kunin. I’m sorry kung nakakagulat ang lahat nang ‘to ngayon. A-akala ko kasi ay ipinaalam na sa iyo ng mama mo ang katotohanan.” “Who is my father then? I’m sure you knew.” Tiim bagang kong tanong. “Maniwala ka, hindi ko talaga alam. Minahal ko ang mama mo kaya hindi ko na siya pinilit na sabihin sa akin kung sino ang papa n-niyo,” saglit akong tumalikod at sinipa ang maliliit na bato. “Niyo? Are you saying na iisa kami ng ama ni ate? Because there is no way I could accept that bastard because he was like you! Iniwan din si mama!” But of course I doubt it. There is no single resemblance of ate and I. Kahit sa mama ko ay wala akong namana. “C-could be pero hindi ko talaga alam Shiyo.” Hindi na ako nakapag salita. Kaya pala mas madali niyang iwan kami dahil dugo’t laman niya nga naman ‘yong dinadala ng kabit niya. Kahit pa nagpaka-ama siya sa akin kahit hindi ko pala siya tunay na ama ay patatawarin ko na siya. May main issue here is he left us for another woman, kabit. He committed a******y that affects my mother. “I’m sorry for what happened to Azzura, and I missed you Shiyo.” I miss him too, but there is no way na sasabihin ko ‘yon sa kanya. When I was a kid, mas nakakasama ko siya kaysa kay mama dahil parating sila ni ate ang magkasama. Sa taping at kung saan pa. Umuwi akong luhaan. Sa halip na gumaan ang loob ko dahil may napagbuntungan ako ng galit ko. Nadagdagan pa ‘yon dahil sa nalaman ko. Sa kanya ako naka-apelyido kaya buong buhay ko ay siya lang ang kinikilala kong ama. Calleb’s MV was released and I congratulated him because naging trending ang kanta niya. I didn’t get to congratulate him because my taping started on the day his MV was released. Hindi ako nahirapan na iportray si Gabriella, the rebellious college student. Dahil sa nangyari nitong mga nakaraan ay naging madali sa akin ang bigyang buhay ang character niya. Ngayong araw naman ay magkakaroon kami ng eksena ni Shanaia, ito rin ang unang beses na mami-meet ko siya. “Omg! Excited akong makita in person si Shanaia!” “Ako rin, idol na idol ko ‘yon eh. Ang ganda na ang bait pa!” “Ang down to earth pa.” Sumasakit ang tainga ko sa naririnig ko. “Hi, I heard ikaw ang makakaiksena ko today, do you mind if we practice?” Kung hindi ko lang inimbistigahan ang babaeng ‘to ay madadala rin ako sa mga ngiti at pagiging friendly kuno niya. “Hi! Yep, sure!” I gave her my warmest smile. Let’s see who’s gonna be the best pretentious between I and her. In game ako sa pagka bida-bida sa movie na ‘to. I will overpower the main lead in this movie. Sisiguraduhin ko na mas mapapansin ako ng mga tao. “Cut! Shanaia you are zoning out!” Sigaw ni direk. Humingi naman ng paumanhin si Shanaia. “1, 2, 3, action!” “Bakit mo naman ginawa ‘yon, Gab?” Malumanay ang pagkakasabi non ni Shanaia sa akin bilang Gab. “Deserved niya,” walang gana kong sabi at humalumbaba sa study table. “Hindi mabuting gawain iyon, Gab.” She sighed. “For a stupid person like you, it’s normal to think that way,” I crossed my arms at ipinatong ang dalawa kong paa sa lamesa. “Just because you think he deserves it means he really deserves it. Hindi ka Diyos para maghatol.” “Ain’t no saint either to do nothing,” umirap ako sa kawalan at tumayo, “gotta go, see you around stupid,” itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway habang nakatalikod sa kanya at naglakad palayo. “Cut! Nice!” Pumalakpak si direk Caishen. “You’re good and natural,” kumento ni Shanaia. “Bihira sa newbie ang natural lang ang umarte kasama ako,” she smiled. Did she expect me to be intimidated by her presence? If only I can show her how I loathed her, baka siya ang ma-intimidate. Baka nag mag-freak out pa siya eh. "Thanks," I faked a smile at her. "Omg, tumaas ulit ang followers mo ma'am!" Si Eliza, ang PA ko. "Ate Eliza, Shiyo lang or Vawn." I told her for the nth time. She's basically older than me, but even if she was younger than me I would still prefer to be called by my name. "Ay, sorry. Hindi pa sanay, hehe." Hinayaan ko lang siya na magdaldal habang pauwi kami na kami. Hindi na ako nagdadala ng kotse dahil may SUV naman na naka-assign sa akin tapos may driver na rin. "A-ah...Shiyo, dadaan pa raw po tayo sa TalentFuse. May meeting ka raw po with the management." Akala ko pa naman makakapag pahinga na ako. "Alright," saad ko at pumikit. I wanna take a nap. "Look who's here, congratulations Vawn!" napangiti ako kay Ceddy. "Congratulations to us," ngumiti ako at inukopa ang silya sa tabi ni Mickey. "How was the shoot?" tanong ni Mickey. "Ayos naman, mem." Pabiro akong kumindat sa kanya na ikinatawa niya. Napahinto ako nang pumasok si Damon. "Hi," bati niya, nginitian ko naman siya. "Everyone is here?" Tanong ni Ms. Criza, ang project manager ng TalentFuse. "Yes," sagot ni Ceddy, ang manager ni Damon. "Alright, I know that Vawn is busy with her shoot and Damon is also busy with a commercial shoot but I just got this news from the higher up. We all know that the initial plan won't be happening kaya ito na ang final...we are aiming for this movie," she distributed the folder to each of us. AMIDST OF THE THUNDERSTORM, I FOUND YOU. Ayon ang nakalagay sa unang pahina. "That movie is gonna be co-directed by Caishen too. Check the storylines, ang ganda. The way the writer describes the main characters- navivisualized ko si Vawn at Damon." Paliwanag ni Ms. Criza. "I believe that the two of you can secure this project." Naglalaro ang mga ngiti sa labi ni Ms. Criza. Tiningnan ko ang storylines, oo nga. Ang ganda at sa tingin ko ay relatable talaga sa mga young couples. "The audition of the casting is in a week, we will hire a new mentor solely for this project purposes. Be ready." Pagkatapos ng short meeting namin ay minabuti kong kausapin si Mickey one on one sa opisina niya. "Mem, uhm...gusto ko lang sabihin 'to in advance. Hindi ko alam kung ano ang plano ng management sa akin pero ayaw kong ma-stuck sa isang love team." I paused, "gusto ko maging flexible at hindi dedepende sa love team. I want to be paired to someone else every project, kagaya sa mga k-drama, paiba-iba ng partner. I also want to focus on music video projects." Dahil kung mai-stuck ako sa isang love team ay para ko na ring nilason ang sarili ko. It's impossible na wala sa isa sa amin ang mahuhulog kung kami palagi ang magkasama and I don't want to add a drama in my life. I have so much on my plate na. "I think your idea is actually better. Let's break the typical love team na kayo dapat ang magkasama palagi sa bawat project. I'll bring that up to the management next meeting." Tumango-tango pa si Mickey na para bang sinasabi niya na bakit-hindi-sumagi-sa-isip-ko-'to-noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD