Marami na akong iniisip, dumagdag pa itong nangyayari ngayon. The movie shooting was leaked, hindi pa naa-announce in public ang upcoming movie na ‘to due to what happened, an anonymous posted a video of me being shot and screaming.
But the thing is, the post was directed to Shanaia.
Shanaia did dirty to a newbie?
Shanaia hired a gunman to shoot Shiyo because of jealousy?
Shanaia did it again just like how she did dirty to Azzura?
Aside from the video where I was shot, there is also another video from the scene of Fabian and I. Shanaia’s fans are now attacking me because of that. Pero natuwa naman ako na may kaunti akong fans na dumidepensa sa akin. Mayroon ding mga tao sa social media na hindi ko naman fans but are now depending me. Siguro dahil ay basher sila ni Shanaia.
“Jusko, Shiyo. Papaano nangyari ‘to? Wala ka namang kaaway rito sa Pinas. Kaunti nga lang ang kakilala mo rito e.” Puno ng pag-aalala ang mukha ni Paige. Alam kong busy siya sa pag-aaral niya pero sinadya pa rin niya ako ngayon dito sa hospital.
“I…don’t know either,” halos kalikutin ko na yata ang kaibuturan ng utak ko. Wala akong mahanap na sagot.
“But I think the main target here is Shanaia, don’t you think so?” Saglit na napaisip si Paige.
“I am actually thinking the same, you were used.” Tumango-tango siya. “Now you see it’s dangerous, Shiyo. Bumalik ka na lang ng Korea,” she sighed.
But I cannot do that, ni-wala pa akong naumpisahan talaga.
Hindi nagtagal si Paige dahil may hahabulin pa siyang exam. Si Mickey at Eliza naman ay abala sa pag-aayos ng bill ko dahil lalabas na ako ngayong araw.
While waiting for them, I browse through my i********:, I already have more than one hundred thousand followers. Mayroong mga nag-aaway sa comment section ko. I only have one post sa i********: ko, picture pa ‘yon galing sa MV ni Calleb. I was wearing a peach dress at naka-curl ang buhok ko. Doon sila nagsi-comment. May mga comment na ang picture na ‘yon noon pa noong kalalabas lang ng MV ni Calleb. Ngayon ay dinagsa nanaman dahil sa leaked video.
“Magpagaling ka ate!”
“Get well soon po ate”
“Poor Shiyo, nabiktima ni Shanaia”
“Let’s protect Shiyo at all cost from Shanaia”
“Nakikita ni Shanaia as threat si Shiyo kaya siguro nakaganon siya. I mean, come on! Ang ganda ganda ni Shiyo.”
Iilan lang ang mga ‘yan sa mga nabasa ko sa sobrang daming comments. I am not happy that I was shot and it’s a bit scary pero pumapabor sa akin ang nangyari. Finally, may butas na ang pagmamalinis ni Shanaia. Kahit pa hindi siya ang nagpabaril sa akin.
I heard a knock on the door, dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko.
“Shiyo…” I was stunned, nang mag sink in sa akin kung sino ang nasa harapan ko ay kaagad kong sinarado ang pinto.
“Oppa! 도대체 여기서 뭐 하는 거야? (What on earth are you doing here?)” It was Dohyun, he was wearing a cap, sunglasses, and black facemask.
“I was worried about you,” he was about to take his mask off pero pinigilan ko siya.
“Are you nuts? You’re popular in PH too, you cannot just barge in here! Where is your manager?” Naghintay ako na may kumatok ulit pero wala.
“Look, I just want to make sure you’re okay.” Gusto ko siyang sabunutan sa inis, napapaisip tuloy ako kung saan niya nalaman ang nangyari sa akin.
Social Media.
Oo nga naman, social media.
“I’m fine now you can go back before someone recognizes you here,” malamig kong sabi.
“Okay…” sagot niya sa mababang boses.
“Where were you?” Tanong ko bago niya pa mabuksan ulit ang pinto.
“Hmm?”
I just stared at him.
“Oh, Malaysia. I’ll be right back there,” gusto ko siyang pitikin, sa halip na nagpapahinga na lang siya ngayon ay mas pinili pa niyang pumunta ng Pinas. Kampante mas’yado na halos magkatabi lang ang dalawang bansa.
“Is your concert later tonight or tomorrow?” I asked.
“내일(tomorrow)” he really sounds tired. Na-guilty naman ako bigla.
I sighed, I called Mickey and told him that I am still uncomfortable and want to extend for a few hours. Ako lang talaga ang sinadya niya rito sa Pinas, nakakahiya naman na pinagtatabuyan ko siya ngayon. I cannot think of a safer place for us to talk than here.
“Have a seat,” I cannot see his reaction at all because he was wearing sunglasses and a face mask. But the way he stiffed meant he was shocked by my sudden decision.
“Y-you’re not sending me away?” Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Reflecting to the way I acted earlier, parang ang wala kong puso.
“I’m not sending you away, oppa. I’m j-just being careful,” depensa ko sa sarili ko.
May kumatok sa pinto, I told to Dohyun not to talk.
“Vawn, anong nangyari? May masakit ulit sa’yo?” Hindi nakatakas sa paningin ni Mickey so Dohyun. Makahulugan akong tiningnan ni Mickey, nag-bow naman si Dohyun sa kanya.
“Kaibigan ko sa Korea, mem. Nabalitaan niya raw ang nangyari sa akin kaya dumalaw.” I sound natural dahil totoo naman. Tumango si Mickey pero makahulugan niya pa ring sinuri ng tingin si Dohyun.
“Please don’t let anyone in, mem. Mag-uusap lang po kami,” mas lalong naningkit ang mga mata ni Mickey pero tumango pa rin naman siya.
“He is my manager,” sabi ko kay Dohyun nang makalabas na si Mickey.
“You can take a nap,” itinuro ko ang sofa sa kanya. Nakaupo kasi siya ngayon sa upuan na malapit sa kama ko. Bumalik naman ako sa kama at sumandal sa headboard ng bed, I was admitted in a VIP room.
“No, I’m good.”
Saglit kaming binalot ng katahimikan.
“They miss you so much.” Siya ang naunang nagsalita. “They were asking me if you were responding to me…because you are not returning their messages.” Napayuko ako, I was too guilty to reply to their messages.
“I miss them so much too,” napatingala ako, “but I cannot move on if I keep responding to them.” I honestly said.
“You didn’t have to leave, the company can support you. I watched the MV that you were in, and I am very proud of you.” Tumayo siya at ni-lock ang pintuan, I just let him be as he removed his sunglasses and face mask. Now I have a clearer view of his expression, Dohyun is half Canadian and half Korean. No wonder he is the face of his group, ang vibe niya kasi ay boy next door. May pagkakahawig sila ni Cha Eun-woo, para nga silang magkapatid e.
“I have my reasons,” nag-iwas ako ng tingin. Mas inilapit niya ang upuan sa kama ko as he reaches for my right hand at pinaglaruan ‘yon. “You’re left handed, you will have a hard time eating…” kumento niya at napatingin sa naka arm sling kong kaliwang kamay.
“I can manage,” nakatingin ako sa kamay ko na pinaglalaruan niya. “Oppa,” pag tawag ko sa kanya.
“Hmm?” He looked up at me.
“I want to debut with them. I really do…” I paused a bit, “but I have to set aside my dream for my sister. I want to avenge her, I want to expose those who did dirty on her. I want them to pay for what they have done. I want to avenge my sister,” I couldn’t hide my anger.
Tahimik lang siya kaya napatingin ako sa kanya. “I know the company can support me but I don’t want to drag the company with me.”
He didn’t say anything, instead ay tumayo siya at dahan-dahang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Taliwas sa ini-expect kong reaction niya, he was always righteous so I expected that revenge would be absurd for him.
“Do whatever makes you feel better,” he was caressing my hair. “But please remember that I will always be here for you. No matter which country I was in, I will come to you.”
I stayed in my condo for two weeks to recover. Nausog tuloy ang mga upcoming commercial shooting ko sana dahil sa nangyari. But I heard that Direk Caishen compensated my loss. I was about to tell Mickey na huwag na, kaso nasa show business nga pala ako. It might be okay for me but not for the company.
When I fully recovered I gave Mickey a surprise. I went to TalentFuse without any notice. Pero sa halip na masurprise ko siya, ako ang nasorpresa dahil nadatnan kong nasa kalagitnaan pala siya ng meeting. Wala kasi siya sa office niya kaya dumiretso ako sa gathering room.
And there, parang gusto kong umexit dahil sa bigat ng atmosphere. Dwayne is sitting in front while the other managers are looking at me. Malay ko ba kasing dito sila nag meeting, eh madalas naman ay sa conference room!
“Oh…sorry, please continue,” napakamot ako sa noo ko.
“Meeting adjourned,” anunsyo ni Dwayne bago ako tuluyang makalayo.
“Jusmiyo kang bata ka, bakit naman hindi ka kumatok?” Nandito kami ngayon sa office room ni Mickey.
“Eh…hindi naman kasi kailangan kumatok don po ‘di ba. Ayaw niyong ma-istorbo sa mga katok, malay ko bang nandon pala kayo nag-meeting. Hindi ba’t sa conference room dapat,” nangatwiran pa ako.
Mickey sighed, “pero buti na lang dumating ka. Jusko! Gustong-gusto ko nang makaalis din don. Hindi ko nagugustuhan ang kabadtripan ni Dwayne!” Sinapo niya pa ang noo niya.
“Why would he bend his anger to the managers?” Kung badtrip siya edi mabadtrip siya mag-isa.
“Hay naku, mainit pa rin ang ulo niya dahil hindi pa nahuhuli ang gumawa non sa’yo. Now, nagpababa siya ng memo na dapat lahat ng mga upcoming projects ng mga artist ay sinusuri ng mabuti at dapat number one na i-check ay kung may medic ba sa set just in case of emergency. Eh may ibang mga managers na accept pa rin ng accept ng projects na walang nagka-antabay na medic in case of emergency pala sa mga projects na ‘yon. Kaya ayan, nagalit si Dwayne.”
Oh…safety naman pala ang priority niya.
“Sayang ang mga postponed project mo nga eh. Haaay, ay teka. Bakit nga pala nandito ka? Dapat ay nagpapagaling ka pa!”
“I’m fully healed, tada~” itinaas-taas ko pa ang kaliwa kong kamay. Mabuti na lang talaga at sa braso lang ako tinamaan, wala namang maselang parte sa loob ng katawan ko ang nadale.
Come to the conference room.
It was a text message from Dwayne.
“Good afternoon, sir,” pagbati ko sa kanya bago isara ang pintuan sa likuran ko.
“Have a seat,” mas kalmado na ngayon ang aura niya kaysa kanina.
“How are you feeling?” Pinasadahan niya ng tingin ang braso ko. Pero hindi rin naman niya ako masusuri dahil naka hoodie jacket ako.
“Better, sir. I’ve fully recovered,” I pursed my lips.
Saglit niya pa akong tiningnan bago siya muling nagsalita, “are you sure that you’ve fully recovered?”
“I am,” maikli kong sagot.
“Good then, nag-umpisa nang mag training ang P-POP boy group, their first evaluation is tomorrow.” Anunsyo niya, pero ang expression niya ay tila tinatantiya ang magiging reaksyon ko.
“I’ll be there po,”
Napataas ang kilay niya. “Po? Do I look that old to you, Ms. Fabroa?”
“It doesn’t matter, po is a sign of respect and I can use it kahit sa mas bata sa akin, hindi po ba sir?” Naningkit ang mga mata niya. I just noticed that I don’t use the po when in fact I’m here in the Philippines. Kahit sa Korea, nakakalimutan ko ang yo minsan- madalas pala.
“I would appreciate it if you’ll remove the po,” ayaw niya ba ng nirerespeto siya?
I was there on the day of the first evaluation of the boy group but Dwayne was nowhere to be found. Maybe because later that night after we had a talk, he got involved in a scandal. According to the media he was seen with Shanaia, I even checked the pictures and it was really them. My hatred toward him now is immeasurable, is he keeping a person like Shanaia in his life? Disgusting!