Target locked

2146 Words
I dressed up today because today is the day- contract signing! Brown high waisted skirt, white tube, and brown blazer ang suot ko. Paired with 2 inches dark brown sandals. I tied my hair up, pa-ponytail tapos ikinulot ko iyon. Tsaka ko lang tinigilan ang sarili ko nang makuntento na ako. I look really good pero ipagda-drive ko pa rin ang sarili ko syempre. It was a 3-hour drive from Paige’s condo, dala na rin ng traffic. I asked Mick about the parking availability, mabuti na lang at mayroon. I parked my mother’s car at the basement 1. Sa lobby raw ako kikitain ni Mickey. “Wow, I like your fashion! Very Korean!” Oops, I think I cannot change my style agad-agad dahil ilang years din ako sa Korea. I smiled to Mick, “I like your outfit too,” he is wearing a pink suit. Pero hindi iyon masakit sa mata na pagka-pink. “We are actually too early, 4:00 PM ang contract signing. Alas tres pa lang, do you mind if we grab some coffee?” I just smiled at him, hudyat na ayos lang sa akin. Mayroong coffee shop sa gilid ng lobby, hinayaan ko siya na mauna. Kaunti lang ang tao, this place looks private. Hindi matao and I like it. I ordered milk tea instead of coffee. Sa gilid kami pumwesto. “I will do my best to make you the best actress in your generation, Ms. Siobhán,” ang lapad ng ngiti niya. I looked away, ngayon pa lang ay guilty na ako na I’m here for revenge. “Ano pala ang palayaw mo?” Natuliro ako, pala- pala what? “I beg your pardon,” tumikhim ako. “Palayaw, nick name. Wait, you don’t know what is palayaw?” I smiled awkwardly. Napasapo siya sa noo niya. “Vawn is okay.” I pursed my lips. “Ohhh! S-sorry sir!” Napatingin ako sa nagsi-serve ng coffee na staff. Natapunan niya ng kape ang isa sa mga customer, ramdam ko ang panginginig sa boses niya. “I-I’m really sorry s-sir! Hindi ko po sinasadya,” kaagad na lumapit ang manager sa kanila. “Pasensya na po sir Dwayne. Baguhan pa l-,” “Don’t mention it.” The guy said coldly. He didn’t let the manager finish. Naiintindihan ko naman ang pagkairita niya dahil hot coffee ang natapon sa kanya. I would be so scared kung ako ang nakatapon. Madilim kasi ang mukha ng lalaki, nakakunot ang makapal niyang kilay habang pinupunasan ang sarili niya. He is tall at mala tanso ang balat niya, he look like a model or something. I think he is the real definition of tall dark and handsome. Agad kong iniiwas ang tingin ko nang napunta sa akin ang mga mata niya. “Poor girl, first day at mukhang matatanggal agad sa trabaho,” Mick made a sad face. “Isn’t it normal to make mistakes on your first day at work?” Sumulyap ulit ako sa table nong lalaki. Muntik na akong mabulunan nang makitang nasa akin ang mga mata niya! “Not when Dwayne is around. He is the grumpiest guy I have ever known.” Sapat lang sa pandinig ko ang pagkakasabi ni Mick. “Anyway, let’s go. Ililibot na lang muna kita,” kilala niya ang lalaking ‘yon? Inilibot nga niya ako. Korean inspired agency pala itong TalentFuse. They have a different training for those who want to be an actor, singer, dancer, at higit sa lahat ay mayroon silang on going audition para sa bubuuin nila na P-POP group! Ang galing. Bigla kong naalala ang sarili kong grupo, pero agad ko rin iyong isinantabi. Hindi ito ang oras para pagtuunan ko ng pansin ang lungkot. Iginaya ako ni Mick papunta sa isang silid, binasa ko ang nasa pintuan, conference room. Kumatok si Mickey roon tapos may babaeng naka parang pang flight attendant na soot ang nagbukas ng pinto. “Come in,” nakangiti ito. “Good afternoon, pagbati ko.” Natigilan pa ako nang matanaw ko kaagad ang lalaking naroon sa coffee shop kanina. He’s here! Hindi na siya naka coat, white dress shirt na lang iyon na nakatupi hanggang sa siko niya. “Have a seat, Mickey and Ms. Fabroa?” Inilahad ng lalaking may edad na ang kamay niya. “I’m Fred,” “Please to meet you, sir Fred,” tinanggap ko ang kamay niya. “And this is my son, Dwayne.” Oh…tiningnan lang ako ni Dwayne kaya tinanguan ko lang siya. “He’s shadowing me today.” May inilapag na folder sa harapan ko. Sa unang tingin pa lang ay alam ko na na kontrata iyon para sa akin. “Please review everything before signing it,” “Yes, sir.” Sagot ko. I reviewed the contract. One month acting workshop, tapos magkakaroon ng evaluation once the result is good, they will send my profile to different possible project. Two years contract iyon, nasa akin na kung mag rerenew ako after 2 years. Ang kikitain na linis ko ay nakadepende kung saan pasok na bracket. Ang iba pa ay hinapyawan ko lang ng basa dahil wala naman akong pake sa kikitain ko, I’m here for something else. Ang focus ko ay maging magaling sa pag-arte para umusad na ako sa mga plano ko. “Here,” ibinalik ko kay sir Fred ang contract. Tiningnan naman niya iyon. “Happy birthday,” he looked amused. “P-po?” Nalilito kong tanong. “Birthday mo ngayon ‘di ba?” Itinaas niya ang isa niyang kilay. “Birthday mo?” Gulat na tanong ni Mickey. “Birthday ko?” Gulat din na tanong ko. Napatingin ako sa phone ko to check the date. June 18, birthday ko nga! “Oh…y-yes. Birthday ko.” “Nakalimutan mo ang sarili mong birthday? Ang bata mo pa para makalimot ah!” I bit my lower lip because I’m embarrassed. “How young are you now?” Sir Fred asked. “Eighte- uh, no. Nineteen now,” sagot ko. Masuri niya akong tiningnan. Oh no, hindi naman siguro nila iisipin na nagsisinungaling ako ‘di ba? Birthday ko naman talaga ngayon. It’s just that, I don’t really care about my birthday. Kahit nitong mga nakaraang taon, kapag hindi ako binabati nila Binna ay hindi ko maaalala. “No one greeted you yet? The sun is almost down at ngayon mo lang naalala ang birthday mo. I assumed you are living alone?” Sunod-sunod na tanong ni sir Fred. “Uh, wala na siyang parents sir Fred. And u-uhm… wala ka ring kapatid ‘no, Vawn?” Tanong ni Mick. Naramdaman niya rin siguro ang mapanuring tingin ng mag-ama sa akin kaya medyo nagpa-panic din siya. “I had.” I looked away. “I’m living alone,” “I’m sorry to hear that. I have your background checked Ms. Siobhán, I hope you expected it.” Nanlamig ako. “But I didn’t dig into your personal matter. That would be rude, when I saw your application- ang linis. No school name, no part time work, nothing. It’s impossible that you just appeared now. I even checked if you’ve ever auditioned for other agencies. But found none.” Nanatiling nakatikom ang bibig ko. “Turned out you were in Korea,” d-don’t tell me alam niya na nag-training ako roon? Pero pribado ang pagti-training ko. “And you just came back recently,” “Yes, sir.” Sinuri ko rin siya. Mukhang wala namang bakas sa mukha niya na alam niya ang tungkol sa training ko roon. “How was your stay in Korea?” “I had a good time there, sir. But I don’t see myself living there so I came back,” I smiled. Of course it was a lie, I’ve been fantasizing about my life there. “I assume you can speak the language?” Pinaikot niya ang ballpen sa daliri niya. “Yes, sir.” “That’s good. We can potentially do a collaboration with Korean actors,” he paused. “I believe you can make it, Vawn.” Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan na kaming pinakawalan ni sir Fred. Ang sabi ni Mick ay mahilig talaga raw makipag small talk si sir Fred. But his kind of small talk was terrifying! Next week ang umpisa ng acting workshop ko. I was excited to tell Paige about my little success but she wasn’t in her condo when I got there. I left a note saying I’ll be in Batangas. Napangiti ako nang batiin ako ni auntie Louria. Alam niya pala ang birthday ko. Dumiretso ako sa Institution kung saan naka-admit si mama. Gabing-gabi na nang makarating ako. “Feliza Magtayog po,” “Kaano-ano niya po kayo ma’am?” Tanong ng babae na nasa counter. “Daughter po,” Sa admin ako pina-diretso, may mga papeles na pinapirmahan sa akin tapos kinausap din ako ng doctor. “I’ll be honest with you ma’am, as of now we do not have a final diagnosis yet. Your mother is still under observation. Malaki ang chance na nang dahil sa pagkamatay ng ate mo kaya siya nagkakaganito pero hindi ko masasabi na iyon lang dahil hindi pa namin siya makausap ng maayos, gusto mo bang subukan na kausapin siya?” “Is it possible Doc?” “Of course, hinihintay ka rin namin dahil baka kapag nandito ka ay magsalita na siya,” Pumunta kami sa isang silid, kumatok muna si Doc. May nurse na naroon. “Ma’am Feliza, nandito po ang anak niyo,” marahang sabi ni Doc. “Azzura!” Masiglang lumingon sa amin si mama. Pero agad na napawi ang ngiti niya nang makita niya ako. “Hindi ‘yan si Azzura!” Pagalit niyang sabi. “Opo ma’am, pero si Siobhán po ‘yan. Ang bunso niyo pong anak,” mahinahon pa rin ang pagkakasabi ni Doc. “HINDI KO SIYA ANAK!” Pain, that’s the only feeling that I can feel right now. “M-ma, it’s me…” but I still tried to move forward. “H-hindi…hindi kita, anak. Ang ate mo ang anak ko! Azzura…w-wala na ang anak ko, WALA NA ANG ANAK KO!” Nagulat ako ng itinulak niya ako. Inalalayan ako ng nurse, may mga bagong nurse ang pumasok din. Tumingin ulit sa akin si mama, lumapit siya pero pinigilan siya ng dalawang nurse na lalaki, “Shiyo…ang ate mo. Dalhin mo pabalik sa akin ang ate mo!” Hindi ko siya maintindihan. She recognized me but why is she telling me that I’m not hers? Pero alam niya na ate ko si ate. Tinurukan siya ng nurse ng pampatulog. Tulala akong sumama kay Doc pabalik sa office niya. “B-bakit po ganon Doc?” Maging ako ay hindi na alam kung ano ba talaga ang tanong ko. “I’m sorry to ask you this but hindi mo ba siya biological mother? Bale ba magkapatid kayo ni Azzura sa ama?” “S-siya po ang biological mother ko. Magkaiba po kami ng papa ni ate.” Sagot ko. “Wait, lemme analyze this. Your mother’s full name is Feliza Magtayog, your sister’s full name is Azzura Serbio, and yours is…” “Siobhán Fabroa,” oo nga naman, nakakalito. Magkakaiba kami ng surnames. “My mother was never married so she is still carrying lolo’s last name. Si ate Azzura naman ay naka apelyido sa papa niya and same to me.” “Ohhh…okay.” “Uhm, Doc. Hindi po kasi ako makakauwi madalas dito dahil sa Maynila po ako mamamalagi. Pwede ko ho bang mahingi ang number mo? I’ll leave my phone number also.” Hindi ako nagtagal. I decided to stay here in Batangas for tonight. Nandito ako ngayon sa bago kong kwarto which used to be the guest room. Tahimik ang bahay at tanging caretaker lang ng bahay na ‘to ang kasama ko. Wala si auntie, nasa kanila na. Pumunta ako sa kwarto ni ate at hinayaan ang sarili ko na mahiga sa kama niya. I missed you so much. Nahagip nanaman ng paningin ko ang litrato nila ni Heather. Heather, you're gonna be my first target. You were high and mighty, where are you now? Bumalik ka na ba sa putik? I heard she was once poor, nakatrabaho niya si ate sa isang evening drama na si Heather ang bida. Ate was exploring because she was a versatile actress, kaya isa siya sa kontrabida sa show na ‘yon. Masyadong magaling umarte si ate kaya nakakadala, if you were a viewer- maiinis ka talaga sa kanya. People forget that it was just a show and nothing related to personal life kaya noong nagka-issue si ate at Heather, si ate ang naging villain. And now it’s time to make Heather the villain because in the first place ay siya naman talaga ang villain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD