Balita sa akin ni Mickey.
“Oh…okay.” Wala naman akong magagawa e. “Kailan daw po mem?”
“Tentative next two weeks.” Sagot niya, umupo ako sa sofa habang nanonood ng TV, pinapanood ko ang sarili ko sa isang commercial.
“Alright. Mem, as what I’ve said 2 weeks ago…please make sure na clear ang schedule ko ngayong linggo.” Dahil pupunta ako ng Cebu para sa fan meeting event ng Xscape tapos lilipad naman ako papuntang Japan for the fanmeeting of The Dreamer.
“Yes, madam. Cleared pa kaysa sa paningin mo,” sagot niya mula sa kabilang linya.
“Thank you, mem. You’re the best,” I smiled kahit hindi niya ako nakikita.
“Of course, ako pa ba?” We laughed because of his answer.
I grabbed my planner as I marked some dates, pagka-uwi ko galing ng Japan ay didiretso ako sa TalentFuse dahil final evaluation ng boy group. After marking the dates ay humiga ako sa sofa habang tinititigan ang kisame. I am vacant today and tomorrow, the next day pa kasi ako pupunta ng Cebu.
Wala akong planong manatili sa condo ko buong araw kaya naman ay susunduin ko ngayon si Paige a condo niya.
“What t-the…” literal akong napanganga nang makita ko si Paige. She lost so much weight and looked sleepless! “Tao ka pa ba?” She put her things in the back of my car as she hopped in the passenger seat.
I was stunned when I heard her cry.
“Shiyo…” she couldn’t talk, pangalan ko lang ang nasasabi niya tapos umiiyak na siya ulit.
Hinayaan ko muna siya na umiyak nang umiyak. I just tapped her shoulder, mabuti na lang at nagparking ako rito sa basement. Kaya she can take her time.
“What happened?” Inabutan ko siya ng tubig. Stay hydrated dapat siya dahil parang sang timba ang luhang lumabas sa mga mata niya.
“I…fvcked up,” naririnig ko pa rin ang hindi niya sinasadya na hikbi. “I f-failed my major, I’m such a disappointment…” unti-unti nanamang tumulo ang mga luha niya.
At this moment, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil hindi ko naman naranasan ang dinanas niya. I was homeschooled and I stopped when I was about to enter college. Tinanggal ko ang seatbelt ko at niyakap siya.
“Dad was very disappointed, S-shiyo…” her voice cracked.
“I-it wasn’t easy, right? You can always try again, Paige…” hinagod ko ang likuran niya.
“No…I wouldn’t fail if only I was not distracted. If only I hadn’t prioritized him,” kinalas niya ang pagkakayakap niya sa akin. I looked at her– puzzled.
“Him?” I asked.
“I…had a relationship. I love him– so much. Mahal niya rin naman ako e, it’s just that–” hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Sunod-sunod siyang umiling, “you wouldn’t understand.”
“Make me understand then,” I answered.
“He’s broken, I had to be there for him. I didn’t notice the time– I missed my recits and exams,” she bit her lower lip.
“Does he know that you failed?” Marahan kong tanong.
Umiling si Paige, “We broke up. He said he has to fix himself…”
Absurd. I want to nag Paige but I know that this isn’t the right time to do that.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko, “Let’s go to the salon, you’re already broken hearted– don’t make it obvious pa sa hitsura mo.”
“I d-don’t have money for that…dad cut my cre–”
I did not let her finish, “Who says I’m gonna let you pay?” I rolled my eyes.
We went to the famous salon in Makati. I let the beautician decides what Paige need. I just got my nails done, spa, and massage. Hindi ko pwedeng galawin ang buhok ko e, pag-aari ‘to ni Mickey sa ngayon. Baka sabunutan ako nun kapag nagpala-desisyon ako ngayon.
“Chestnut brown suits you, Paige.” I smiled at her.
Kagigising ko lang from my nap, nakatulog ako dahil sa massage.
“Really?”
Mas maaliwalas na rin ang mukha niya kaysa kanina, I think they gave her a facial also. Hindi na siya mukhang dehydrated at hindi na mugto ang mga mata niya.
“Yes, and slay ka sa new hair cut mo,” I winked at her. Ginupitan ang buhok niya ng pa-layer, the hair stylist styled it for her na rin.
“Thank you,” she smiled.
“Mam, pwede po ba magpa-picture?” Tanong ng isang staff sa akin. Tsaka sumagi sa isip ko na artista nga pala ako.
“Uh…sure po,” I smiled at her. Her colleague took a picture of us.
Ang ending ay lahat na ng mga staff ay nagpa-picture sa akin. They even told me na ang galing kong umarte, na-flattered naman ako. Turned out na napanood pala nila ang movie ko raw.
Pagkatapos namin sa salon ay nag Glorietta naman kami, gusto ko kasi mag shopping din ng mga damit.
“How about this? Matchy-matchy tayo.” Pinakita ni Paige sa akin ang gray na knitted vest crop top ng Zara.
I did a thumbs up, ako naman ang pumili ng pwedeng pambaba namin. Nahagip ng paningin ko ang wide-leg na high waisted jeans, bagay na bagay siya sa knitted vest crop top na napili ni Paige.
“Vawn, pwede po ba magpa-picture?” Another customer approached me.
“Sure po,” may kasama siya kaya ayon ang nagpicture sa amin.
“Ang tangkad mo!” I just smiled at her. Ang tantiya ko ay mga nasa 5’2 siya kaya siya natatangkaran sa akin.
“Girl, let’s go na. Marami na silang nakakapansin sa’yo.” Bulong ni Paige sa akin. Hindi na kasi kami makapag shopping ng maayos dahil maya-maya ay mayroong nagpapa-picture sa akin.
Hindi pa ako tapos pero pumunta na ako sa cashier at nagbayad ng mga pinamili namin ni Paige.
“I think you should start wearing a disguise, sumisikat ka na e.” Paige told me as soon as we got in my car.
“You are overreacting.”
“I am not. Look,” she showed me her phone.
Siobhán: spotted in Glorietta
Ayan ang nakalagay sa headline. Technology scares the hell out of me, just one click then boom– alam na nila kung nasaan ka. Walking distance lang sa Glorietta ang condo ko kaya inaya ko si Paige na iwanan muna sa condo ko ang pinamili namin.
“Let’s wear the matchy-matchy,” excited na sabi ni Paige. Sinabi ko kasi na magbi-BGC kami, I want her to forget about her heartbreak kahit sandali lang.
“Sure,” I smiled.
I let her use the other bedroom. When I was done changing, Paige was already waiting on the couch in my living area. Our outfits are cute, the smile on my face faded when an image of my sister appeared in my mind. I never get to experience coupling dresses with her…
“Hoy, ayos ka lang?” I was back to reality when Paige nudged me.
“Ah, yeah?”
“Mirror shot kako tayo, bilis-bilis!” I just let her drag me.
“Pa-AirDrop,” I told her as I opened my AirDrop.
“Of course! Pwede ko ba ito i-post?” Paige asked.
“Why not?” I shrugged. “Ipopost ko rin sana actually.”
“Ay, sige. Ikaw nalang, tapos i-collab mo ako. Paranas naman ng collab invite galing sa isang artista!” I know that she was just fooling around kaya inirapan ko siya.
“Yes, ma’am.” I answered.
Parehong kita ang mukha namin sa mirror shots, ang pinagkaiba lang ay nakangiti si Paige habang ako ay blanko ang expression.
“Ako na ang magda-drive, nakakahiya naman sa’yo.” Presinta ni Paige kaya hinayaan ko na lang siya.
“Saan tayo?”
“Somewhere in Serendra for dinner?” Hindi ko siguradong sagot. “O gusto mong maglakad-lakad sa High Street?”
“Wow, with you around?” She rolled her eyes.
“Eyes on the road!” Reklamo ko.
“OA, Shiyo ha.”
“Halos foreigner naman sa BGC kaya ayos lang at titingnan lang naman ako ng mga tao roon kung makilala man nila ako.” I said.
Ang ending ay nag-shopping ulit kami pero sa gentle monster. Tsaka kami nag dinner, hindi na rin kami lumayo kaya kung saan kami ginutom ay roon na kami kumain. May nakakakilala sa akin pero kagaya ng inaasahan ko ay tiningnan lang nila ako. Pero may iilan na nagpa-picture talaga.
“Grabe, busog na busog ako. Bar hopping sana kaso artista ka nga pala.” Napailing pa si Paige.
“So what? Bawal ba ako magka-social life?” Napairap ako sa kawalan. Naglalakad kami ngayon pabalik sa building kung saan kami nag park.
“Sa bandang uptown may magandang night club don. Mag private room na lang tayo?” I looked at Paige, how did she know?
Nahalata niya yata kung paano ko siya tinititigan ngayon kaya tumikhim siya, “My blockmates used to go there. Nakikisama lang ako.” Sinasabi ko na nga ba e.
I called the nightclub that she was talking about to book a room. Mabuti na lang at mayroon pang bakante. I managed to book a VIP area.
Nagsoot ako ng sunglasses kahit na gabi, halos foreigner naman ang nakikita ko pero just in case lang ‘di iba. I tied my hair into ponytail dahil medyo naiinitan ako. The bouncers escorted us paakyat, dim na ang buong club kaya nag-aassist talaga ang mga bouncer.
Maganda ang pwesto namin dahil nasa dulo siya, tanaw rito ang dance floor. Pero clear glass lang ang nagsisilbing harang ng dalawang VIP area kaya kita namin ang kabila. But this is okay kaysa sa baba.
“Mojito, please.” Tawag ni Paige roon sa attendant. I raised my brows, pero hindi ako nagsalita.
“So, you wanna get drunk?” Bulong ko sa kanya, ang lakas kasi ng music. Well, what do I expect? Nasa night club ako.
“Hindi naman, pampatulog lang.” She grinned.
Liar. Napailing na lang ako.
“Soju,” bulong ko sa kanya.
“Pwede kang uminom?” She asked. “Gagi ka, baka bukas tapos na ang career mo ha.”
“Ay, hindi pala mo nga pala kina-career.” Makahulugan niyang sabi.
“Baka gusto mo pang i-broadcast?” Sarkastiko kong sabi. She just chuckled.
I ordered Takos and fries too. Nang dumating na ang order namin ay kanya-kanya kami ng inumin. Hindi kami masiyado nag-uusap as we are vibing with the music with drinks in our hands. Tinanaw ko ang mga tao sa baba, sayaw kung sayaw talaga sila. I smiled when I spotted a group of people na nagshu-showdown.
“Kaya ba nananahimik ka nitong mga nakaraang buwan dahil sa boyfriend mo?” I asked Paige. Loud enough for her to hear.
“Excuse me, ex-boyfriend!” Napangiwi ako.
“Whatever. Edi ex-boyfriend,” napangiwi ulit ako nang humagod sa lalamunan ko ang init ng soju. Wala nga pala ako sa Korea.
“Yep, at sa pag-aaral ko ‘no,”
“Ah. Kaya pala bumagsak ka.” Matabang kong sabi na ikinasimangot niya.
“Grabe ka!”
I just shrugged. Almost one year na ako rito sa Pinas, pero pakiramdam ko ay kahapon lang ang lahat. Hindi na ako nakausad.
“Cr lang ako,” pagpapaalam ni Paige. Pero napaupo siya ulit nang sinubukan niyang tumayo.
“What the?” Tumingin ako sa iniinom niya. Nakaraming baso na pala siya. “Aish. Hindi tubig ang alak, Paige!” Hindi ko rin namalayan. Ni-hindi ko pa nga nakakalahati ang soju ko.
“Samahan nakita,” I sighed. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
“What the–” inis kong binalingan ng tingin kung sino mang poncio pilato ang tumanggap sa kamay ni Paige at hinila siya patayo.
“Let me go!” But the guy did not let go of Paige’s hand.
“She told you to let go,” I glared at the guy.
“Kenjie, I said, let me go you fvcking b*stard!” She knew this guy?
I was about to call the bouncer but another tall figure blocked my sight.
“Go, I’ll take care of her.” I heard a deep voice.
A voice that is deeper than Dohyun’s…
Dwayne?
I was back to reality when Dwayne made me sit because I was standing. Malayo na si Paige at yung lalaking humila sa kanya nang bumalik ang ulirat ko.
“Why did you let him take my friend? Will you take responsibility if something bad happens?” Iritado kong sabi kay Dwayne.
“I will and I rest assured you that he is not a bad guy. He’s my cousin,”
“Him being your cousin doesn’t make him an instant good person,” I glanced at him. Why is he here?
“Sa kabila lang kami,”
“Huh?” I looked at him, hindi ko kasi nakuha ang sinabi niya.
Lumapit siya sa akin at bumulong, “I said, nasa kabilang room lang kami. I noticed you the moment I got in here but you were busy zoning out.”
Nanigas ako sa kinauupuan ko because of his sudden movement, he is too close to me. His manly scent with a mix of alcohol attacked my nose.
Dahan-dahan akong tumingin sa kabilang table na VIP area but Dwayne made me look at his side again. Itinaas ko ang kilay ko, asking him why.
“Do you really think they wouldn’t recognize you?” Nakaawang ang labi niya. I boldly look at his eyes.
“You recognized me. Syempre sila rin,” hindi ba? Pero paano nga ba niya ako nakilala eh nakatalikod ako sa gawi nila.
“I recognized your back and side profile but they didn’t. But if you want to be recognized then go on and face them. Nakatingin pa naman sila rito,” umatras siya at sumandal sa sofa.
Parang nabunutan naman ako ng tinik, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa lapit niya. But I was just chilling anyway, bawal na ba mag clubbing kapag artista? Pero kung sabagay, kung nasa Korea ako ay hindi ko nga siguro magawang umapak sa loob ng bar dahil grabe ang cancel culture sa Korea. Kapag K-idol ka, dapat parang santo ka na. There is no room for mistakes.
What am I supposed to do now? Hintayin dito si Paige? Call he– oh, right! I’m gonna call her!
Pero nanlumo ako nang patayin niya ang tawag ko. I doubt she did that, it must be that guy! I hate his guts. Sa sobrang inis ko ay ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa inumin ko.
Surprisingly, hindi ako pinipigilan ni Dwayne. Akala ko kasi ay pipigilan niya ako kahit papaano, pero hindi talaga. Nang masyado na akong naiinitan kahit naka sleeveless naman ako at crop top pa ay tinigilan ko na ang soju.
“Oorder ka pa?” We almost kissed! Paano kasi, bigla-bigla na lang siyang lumalapit.
His hunter eyes are now looking at mine. I took my time admiring his thick yet clean eyebrows, pointed nose, well defined jaw, and natural pink lips– parang peach na nga ang kulay ng pagka-natural niya. He actually has sharp facial features.
“N-no,” umatras ako ng bahagya. I think he heard me naman dahil nagsalita ako bago lumayo. “Shouldn’t you stop me instead of asking me to drink more?”
“You look like you need alcohol, so…why not? Why would I stop you?” Oo nga naman, why would he?
“Call your friend, Paige and I have to go,”
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya napatingin ako sa gawi niya. He was staring at the dance floor– argh. Malakas nga pala ang music.
Hinila ko ang dulo ng damit niya para kunin ang atensyon niya. Napatingin siya sa kamay ko na humila sa damit niya bago ako tuluyang tingnan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang umiigting niyang panga. He mouthed ‘what’.
I sighed, tumayo ako at tuluyang tumabi sa kanya. Tabi as in magkadikit ang katawan namin so I could whisper to him. Bakit ang daya? Ang dali-dali niyang makabulong sa akin habang ako ay kailangan pa mag effort?
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang ilagay niya ang kanang kamay niya sa pisngi ko, as if hinaharangan niya ako.
“Let’s get out of here,” iginaya niya ako patayo. He is now shadowing me while talking to the bouncer. I don’t even know what they were talking about since the music is really loud. Naramdaman ko na lang na inaalalayan na ako ni Dwayne then boom– nandito na kami ngayon sa elevator. I did not know that there is an elevator malapit sa amin.
“W-why did we leave? How about Paige?” Naiirita kong sabi.
“She’ll be fine,” he then locked the door of his car.
“What? No! I won’t leave without her.” Mariin kong sabi.
“Then go ahead and get recognized being with me inside,” kalmado niyang sabi.
“It’s your fault, you shouldn’t have come near me!” Matatanggal na yata ang mata ko kaiirap.