HINDI MAIWASANG kiligin ni Angelic habang nakasilip sa papalayong lalaki. Ito iyong unang beses na tila mas malakas pa ang kalampag ng dibdib kesa sa mga panahong napapasabak siya sa giyera. Iba ang dating sa kaniya ng lalaki at aaminin niyang nagugustuhan niya ito. Ngunit agad niyang binawi iyon ng mapagtantong nasa misyon nga siya at ito ang kaniyang target. 'No! Hindi maaari ito Angelic. No! No! Hindi pwede..' inis na wika sa sarili. Mabilis niyang pinagsilahop ang dalawang palad sa mukha upang maibsan ang kahibangan. Hindi siya maaaring umibig sa lalaking lumapastangan sa kanyang pamangkin. Kailangan na niyang makakalap ng sapat na ebidensiya bago pa siya marahuyo sa damdaming binubuhay sa kaniya ng lalaki. Habang naglalakad si Onofre papalayo sa lugar ng babaeng inihatid ay bigla s