'Angelic, wake up!' Hulagpos ng kaniyang utak ng malasahan ang labi ng lalaki. 'Hindi ka dapat marahuyo. Dapat siya ang marahuyo sa'yo,' giit pa rin ng utak niya habang ninanamnam ang labi ng lalaking kahalikan.
Hindi siya marunong humalik pero gaya ng sabi ng kasamahan niya. Hindi raw pinaghahandaan ang halik. Minsan ay nagagawa nating tumugon ayon sa galaw ng ating mga katawan.
Itodo pa niya ang pag-arte. Mabilis na kinalawit ang mga braso sa leeg ng lalaki para mas lalong mapadiin ang pagkakahalik nito sa kaniya. Hawak pa rin niya ang isipan pero para siyang mababaliw habang magkahinang ang mga labi nila. Grabe ang pagtitimping kanyang ginawa upang huwag siyang bumigay sa karisma nito.
Halos mapaigtad si Angelic ng maramdaman niya ang mainit na palad na humahaplos sa kaniyang likuran. Marubdob ang halikan nila na tila ba wala na silang balak pang maghiwalay.
'Oh God,' usal niya habang pinaglalabanan ang init na binubuhay ng paggapang ng palad nito sa kanyang katawan.
"Ahemmm!" mahabang tikhim iyon dahilan para magkabitawan silang dalawa.
Isang maluwag na ngiti ang nabungaran nila sa lalaking nakatayo sa harap ng mesang kinauupuhan.
"Mukhang nag-eenjoy naman ang aking partner dito. So, maiwan ko muna kayo. Ikaw Angel, ikaw na muna ang bahala dito kay Onofre. Alam mo bang mula ng iniwan niya ang girlfriend niya sa Amerika at bumalik dito ay puro alak na inatupag niyan. Matagal nang tigang iyan kaya...." putol na wika nito ng inawat na nito ni Onofre.
"'Tol, wala namang ganyanan. Nambubuking ka naman eh.." natatawang angal nito.
"Iniwan ang girlfriend sa Amerika?' Aniya sa isip sabay tingin sa lalaking muling tumungga ng beer.
Inagaw naman iyon ng lalaki. "Pare, ano ba? Gabi-gabi ka nang umiinom ah! Hindi na nga yata dugo ang dumadaloy sa ugat mo, alak na!" Paninermon pa nito.
"'Tol, I can handle it!" Anito na muling kumuha sa bucket ng isang beer.
Pinag-aralan ni Angelic ang galaw ng lalaking kasama. 'Mukhang sawi nga sa pag-ibig. Kahit pala satanas eh umiibig at nabibigo rin,' aniya sa isip.
Napansin naman agad ni Onofre ang kanina pa mapanuring tingin sa kaniya ng baabeng kasama.
"Alam kong guwapo ako kaya hindi mo na ako sapat titigan ng ganyan." Saad niya sabay lagok ng beer.
Napangisi sa inis si Angelic sa narinig na sinabi nito. 'Ay ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito!' Maktol ng isip. 'Talaga naman kasing guwapo,' hirit na man ng kabilang parte ng isip.
"s**t, hindi ka dapat naho-hook sa kaguwapuha. Niya Angelic." Bulong niya sa sarili.
"Hmmmm...may sinasabi ka ba?" Tanong ni Onofre ng marinig na may binubulong bulong ito.
"Wala! Ang sabi ko, bakit ka ba nagpapakalasing..." inis na sabad. "Guwapo ka sana lasenggo ka ngalang.." mahinang wika.
"Narinig ko sinabi mo..." tila batang wika nito saka ngumiti. Doon ay mas lalong gumuwapo ang lalaki dahil sa pagkakalabas ng pantay-pantay nitong mapuputing ipin.
Napasandal si Onofre sa sofa at napatingala sa kesame. Matagal siyang nasa ganoon ng maramdaman niyang til nakatitig sa kaniya ang babaeng katabi kaya napabaling siya rito at hindi nga siya nagkamali dahil nakatitig nga ito at doon ay nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi malaman ni Angelic ang gagawin ng biglang mahuli siya ng lalaking nakatitig rito. Nabuwisit siya sa sarili dahil kahit anong pigil niya ay tila may magneto itong ayaw bitawan ng kaniyang mga mata.
"May itatanong ka ba?" Tanong ni Onofre sa kaniya.
Umiling siya bilang tugon rito.
"Bakit ka nakatingin ng ganiyan?" Tanong ulit nito.
"Wala lang. Masama bang titigan ka."
"Hindi naman. Gusto ko nga eh.." nanunudyong wika na ng lalaki na tila ba hahalikan muli siya nito.
Sa pagkakataong iyon ay magkadikit na magkadikit sila at hindi naiwasang maidantay ni Onofre ang kamay sa hita ng babae ngunit umiral ang pagiging imbestigador niya ng hindi sinasadyang may makapa siya sa hita ng babaeng kahalikan.
Hindi siya maaaring magkamali. Baril iyon. Bakit may nakasukbit na baril sa hita nito.
Hindi malaman ni Angelic kung bakit tila tinabangan ang lalaki sa halikan nila. Kanina kasi ay halos ayaw na siya nitong bitawan. Wala naman siyang ibang ginawa. Pumipisil-pisil pa nga ito sa hita niya.
Ngunit ng may mapagtanto ay nanlaki ang mga mata niya. 's**t! Nahalata ba niyang may baril ako?' Aniya sa sarili.
Bigla siyang tumayo upang umalis na ng hawakan siya sa braso. Kinabahan na siya dahil baka nabuking na siya.
"What are you doing here?" Matigas na boses nito.
Napalunok siya sa tindi ng tensiyon. Sinasabi na nga niyang napansin nito ang baril niya. Mas lalo siyang nagalit sa sarili dahil masyado siyang nawili sa halik nito. Kaya hindi napansin nawawala na pala siya sa huwesyo at nakalimutan maging ang kaniyang misyon.
Agad na piniksi ang kamay nito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito. "Agad siya nitong sinalya paupo sa coach na kinauupuhan nito at pumaibabaw ito habang nakatukod ang magkabilaang kamay sa kaniyang magkabilanv gilid. Wala siyang kawala dahil hawak na rin nito ang kaniyang baril na nakasukbit sa hita.
Bumaba ang mukha nito sa kaniyang mukha hanggang sa marinig ang sinabi nito. "Alam kong may balak ka. Kaya kung ayaw mong mapahamak ay umamin ka na." Bulong ni Onofre sa punong tainga niya.
Nagngitngit ang kalooban ni Angelic. Paanong nalaman ng lalaki ang mga galaw niya. Mukhang matalas ang pakiramdam nito.
"Isa ka bang undercover agent?" Tanong pa nito kasunod ng pagdila nito sa kaniyang punong tainga na naghatid sa kaniya ng ibayong sensasyon.
Ngunit agad na nabawi ang sarili at mabilis na tinulak ang lalaki. "Bastos!" Aniya sabay sampal dito. "Akin na iyan. For self defense lang ito dahil sa uri ng trabaho ko!" Kaila niyang singhal dito sabay bawi sa baril niya buhat sa lalaki.
Nakuha naman agad niya iyon saka mabilis na umalis sa harap ng lalaki.
Habang nakatanaw sa likod ng babaeng papalayo ay napangisi si Onofre. "Malalaman ko rin kung sino ka Angel. Masyado kang misteryoso para sa akin lalo na't pati puso ko ay sumisikdo para sa'yo." Bulong ni Onofre saka pabagsak na muling naupo sa sofa.
Nang makita ang isang bagay doon. Panyo iyon. Nang siyasatin iyon ay may pangalang nakaburda. Angelika D.T.
Napakunod noo siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi.