Lorenzo Calderon’s POV “Sir Lorenz, sir…” Napadilat ako nang marinig ang mahinang boses ng isa sa driver ng mga bata. Mahina rin nitong tinatapik ang braso ko kaya tuluyan na akong nagising mula sa pagkakaidlip. “F*ck!” mahinang mura ko habang nakapikit pa. Naramdaman ko na malapit nang lumalim ang tulog ko at ginising pa ako. “S-sorry, sir Lorenz, nandito na po kasi tayo sa mansyon. Mahinang sabi ng driver at natakot ‘yata sa pagmumura ko. I opened my eyes completely. I remove the seatbelt and check my wristwatch. It’s past ten in the evening at dapat ay kanina pa ako nakauwi ng bahay kung hindi lang ako dumaan ng bar kanina para uminom ng kaunting alak. I don’t drink and drive kaya nang medyo naparami na ang inom ko ay tinawagan ko ang isa sa driver ng mga bata para sunduin ako sa