Maxine Avila’s POV “Maxine, hindi ka pa ba uuwi?” Napalingon ako kay Klea na nakita kong nagliligpit na ng notebook nito at nilalagay sa bag. Napatingin naman ako sa wristwatch ko at mag ala sais na ng hapon. Ilang minuto na lang ay magsasara na ang library. “Mauna ka na, Klea. Tatapusin ko lang na basahin at mag-take down notes pa ako dito sa binabasa ko.” Banggit ko na muling binaling ang atensyon sa binabasa habang nagsusulat sa notebook ko. Meron naman akong biniling libro para sa subject na inaaral ko ngayon. Kaso ay mas effective sa akin ang nagbabasa kahit papaano ng lesson mula sa ibang authors for reference. Dahil may ibang authors na magaling mag-explain ng ibang lessons kesa doon sa nabili ko. “Bye, Maxine. See you next week. Ingat ka pauwi, ha. Ingat ka bukas sa meeting n