Maxine Avila’s POV “Maxine, okay ka lang?” “Hah?” Napalingon ako kay Klea. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Ilang sandali naman ay napangisi ang kaibigan ko. “Tsk! Ang sabi ko… dederecho ka na ba pauwi? Gusto mong gumala sandali sa mall at mag-videoke tayo. Kahit mga one hour lang. Tutal ay simula na ng exam bukas. Para ma-relax naman ang utak natin.” “Naku, nag-text kasi si Ethan na susunduin niya daw ako at on the way na siya. Next time na lang Klea. Pag meron ng result ang exam natin. Mag-ce-celebrate tayo.” “Sige,” nagkibit balikat na lang ito. “Pero maiba ako. Akala mo hindi ko napapansin ang madalas mong pagngiti, ha? Minsan para kang nasa cloud nine ka, eh. Si Ethan ba?” Ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi ni Klea. Bigla akong namula. Gets ko naman ang tinatanong nit