Chapter 15

1908 Words

Ngayon na ang araw ng pag-alis nila Heaven papuntang Germany. Lahat ay nakahanda na at bihis na bihis na lalong lalo na si Akiko na mas excited pa kaysa sa kanya. "Hindi mo ba mami-miss sina nanay at tatay?" Tanong ni Heaven patungkol sa mga magulang ni Aki na siyang nag-alaga sa kanya lalo na kapag nasa ibang bansa ang ama. "Ma-mi-miss pero malalaki na sila. Alam mo na, malaki ang tiwala nila sa akin kaya hinahayaan lang nila ako sa kung ano ang gawin ko sa buhay ko." Pagmamayabang nito at kumindat pa sa kanya. "Ang sabihin mo ay malaki ang tiwala nila sa akin. Sa akin, Akiko Joanne! Kay Heaven hindi sayo. Hindi naman sila pumapayag sa mga lakad mo kapag hindi ako kasama ah!" Pang-aasar niya dito na ikinasimangot nito. Natawa na lamang siya. "By the way, may balita ba sa kanila?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD