Naghahanda na sa pagpasok si Heaven nang biglang sumigaw ang anak niyang si Neil kaya nagmadali siya sa pagbaba. "What's the matter, baby?" Nag-aalalang tanong niya sabay yakap dito at pagkuwa'y hinawakan ito sa magkabilang balikat. "I-i just saw tito Hunter, ninong Jake, ninong Ivo, ninong RJ and ninong Vin on the TV. Look, mommy!" Magiliw na sabi nito sabay turo sa flat screen TV nila na kasalukuyang nakabukas. Lumapit siya doon at pinagmasdan ang mga kaibigan at asawa na kasalukuyang ini-interview ng dalawang host. Nasa morning talk show ang mga ito para sa bagong music video na ginagawa nila. Biglang natigilan si Heaven nang mapako ang tingin niya sa babaeng sopistikada na nakalingkis sa braso ni Hunter, ng kanyang asawa. She felt a spang of pain in her chest nang makita niyang h