Rhian's POV: A-Ano ba ang lugar na ito!? B-Bakit ako naririto!? Isang mahabang hallway. Ako lang ba ang naririto? May hallway din ang ospital na pinagtatrabahuhan ko ngunit ang lugar na ito ay ibang-iba kaysa doon. Tila ba ito ay... isang daan papunta sa kung saan. "Hoy babae!" Napabalikwas ako ng tingin sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. S-Sino 'yon!? Sinong tumawag sa akin!? "Bakit ba naririyan ka pa!? Napakabagal!" ramdam kong nakangisi ang lalaking 'yon nang sabihin niya 'yon. "Sira-ulo ka talaga! Tinaguan mo kaya ako!" B-Bakit!? Bakit naririnig ko ang boses ko gayong hindi naman ako nagsasalita!? A-At sino siya!? Sino ang lalaking kausap ko!? "Huwag ka na ngang magpalusot! Bilisan mo na! Bilisan mo na... Rhian." ... "Rhian!!! Rhian!?" ani Steffi. Nap