Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Lester na siyang nagpahandusay sa kaniya sa sahig. "WALA KANG KWENTA!!!" hiyaw sa galit ng kaniyang ama. Salubong naman ang mga kilay ni Lester nang pahirin niya ang kaniyang bibig na dumugo. Bukas na kasi ang kasal dapat nila ni Rhian ngunit hindi niya pa rin ito nahahanap. Nalaman na din 'yon ng kaniyang ama kaya galit na galit ito. "P-Patawad." "Patawad? PATAWAD!? SA TINGIN MO MAISASALBA TAYO NG PATAWAD MO!? ANO BANG KAGAGUHAN ANG PINAGGAGAGAWA MO!? NAPAKASIMPLENG BAGAY LANG NG INUUTOS KO SAYO, HINDI MO PA NAGAWA!? YOU'RE A WORTHLESS BASTARD!!!" Kumuyom ang kamao ni Lester at hindi na din napigilan ang sariling magsalita, "Bakit ba ipinipilit niyong siya 'yon!? AKALA KO BA PINATAY NIYO NA SIYA? Bakit kayo takot na takot sa kaniya na pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books