CHAPTER 01: Bear My Child
Lina
Muli na naman akong napatakip sa tainga nang marinig ko na naman ang malalakas na sigawan at pagkabasag ng mga kagamitan sa loob ng silid nila Ninong Desmond at Tita Gilda.
Nag-aaway na naman sila at siguradong napakaraming gamit na naman nila ang basag ngayon sa loob ng silid nila. At iiwan na lamang nila na parang dinaanan ng bagyo. May lilinisin na naman ako nito mamaya.
"Ang hirap kasi sa iyo, napakakitid ng utak mo!" sigaw ni Tita Gilda. Natanaw ko itong lumabas na ng silid nila at may bitbit na maleta.
Kaagad akong nagkubli dito sa pinto ng kusina.
"Don't make me a fool, Gilda! I'm a man! I know what I saw!" Natanaw ko na ring lumabas ng silid si Ninong.
"Wala ka namang pruweba sa mga ibinibintang mo sa akin!" Nagmadaling bumaba ng hagdan si Tita Gilda. Hirap na hirap ito sa pagbitbit ng maleta niya.
Aalis na naman siya?
"And where the hell are you going again? To that f*****g asshole?!"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, wala akong lalaki! Trabaho ang pupuntahan ko! Paano ko pa ba magagawang manlalaki, gayung hindi na nga ako magkaanak!" Mabilis na lumabas ng front door si Tita Gilda at pabagsak na isinara ang pinto.
Napatingala akong bigla sa taas nang marinig ko doon ang malalakas na lagabog ng pader. At nakita kong sinusuntok na ni Ninong ang isang bahagi ng pader sa taas ng hagdan.
"Ninong!" Mabilis akong tumakbo patungo sa hagdan at umakyat sa taas.
Huminto din naman siya at hinihingal na itinuon ang noo sa pader.
"T-Tama na po, Ninong. Dumudugo na po ang kamao niyo." Namumula na rin siya at tumutulo ang mga pawis sa gilid ng mukha niya at leeg.
"Pakilinis na lang ang mga kalat sa loob," mahina niyang tugon sa akin nang hindi ako nililingon.
"O-Opo. Kukuha lang po ako nang panlinis. Gagamutin ko din po ang sugat niyo." Muli akong tumakbo pababa at kinuha ang mga walis tambo at trash can sa kusina. Kinuha ko na rin ang first aid kit sa isang cabinet at muling bumalik sa taas.
Ngunit hindi ko na inabutan pa dito sa taas ng hagdan si Ninong. Luminga ako sa buong paligid at doon ko siya natanaw sa mini bar nila na malapit sa balcony, dito pa rin sa second floor.
Ibinaba ko muna sa gilid ang walis tambo at trash can. Sa mini bar palaging nagtutungo si Ninong sa tuwing natatapos silang mag-away ng asawa niyang si Tita Gilda. Halos araw-araw ay ganito ang sistema nila wala pa man ako sa bahay na ito.
Si Ninong na rin ang nagkwento niyan sa akin bago pa niya ako dinala dito. Para daw hindi na ako mabigla pa.
Isang buwan pa lamang akong nananatili sa bahay nilang ito dito sa Marikina. Nagmula ako sa Quezon province. Kamamatay lang ng Papa ko mula sa atake sa puso, at napauwi si Ninong Desmond sa Quezon upang makiramay.
Doon din kasi siya nagmula noong nabubuhay pa ang ina niya. Magkaibigan sila ni Ninong. Wala na rin akong ina dahil dalawang taon pa lang ako noong iwan niya kami ni Papa. Ngayon naman ay eighteen years old na ako.
Wala na akong iba pang mapupuntahan. Hindi rin naman ako tanggapin ng mga kamag-anak namin sa province dahil mahihirap lang din ang buhay nila. Kaya inalok ako ni Ninong na sumama na lang sa kanya dito sa Manila. Pinangakuan niya ako na siya na ang magpapaaral sa akin sa college, sa susunod na taon.
Tiwala naman ako sa kanya dahil matalik silang magkaibigan ni Papa.
Edad trenta sais na siya ngayon at six years na silang kasal ni Tita Gilda. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ng kahit isang anak. 'Yan din ang madalas na naririnig kong pinag-aawayan nila sa silid nila.
Matagal na kasing hinihiling ni Ninong na magkaroon na sila ng anak ni Tita Gilda, ngunit hindi ito maibigay sa kanya ng asawa niya. Marahil ay yan na lang ang kulang upang maging maayos ang buhay nila.
"N-Ninong..." Pumasok ako sa loob ng mini bar. Naabutan ko siyang nakayukyok sa counter habang may baso at bote ng alak sa harapan niya.
Hindi man lang siya kumilos. Napansin ko ring nakakuyom ang kanan niyang kamao na may sugat at nagdurugo.
"G-Gagamutin ko po ang sugat niyo, Ninong." Ibinaba ko ang medicine kit sa ibabaw ng counter. Lumabas muna akong muli at nagtungo sa silid ko.
Kumuha ako ng warm water sa banyo gamit ang tabo at muli akong bumalik sa mini bar. Hinugasan ko doon ang kamay ni Ninong. Tumunghay na rin siya at pinagmasdan ang ginagawa ko.
"Gagaling din naman 'yan," aniya.
"Baka po ma-impeksyon."
Hindi niya ako pinansin. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at mabilis itong tinungga. Ni hindi man lang sumama ang mukha niya sa pait ng alak na 'yon. Napakagwapo niya at hindi halatang mahigit trenta na ang edad niya.
Matangkad din siya at maganda ang pangangatawan. Madalas ko ring makita ang walong pandesal niya sa tiyan. Araw-araw kasi siyang nasa gym sa likod na bahagi nitong bahay niya at nagagawi din ako doon sa tuwing naglilinis ako.
Matapos kong mahugasan ang mga sugat niya sa kamay ay nilagyan ko na ito ng ointment, bago ko tinapalan ng bandage.
"Yan, okay na po, Ninong. Gagaling na po 'yan." Napatunghay na akong muli sa kanya, ngunit doon ko napansin na nakatitig pala siya sa akin.
Medyo namumungay ang mga mata niya at halatang miserable.
"Bakit po, Ninong? May sasabihin po ba kayo? Hayaan niyo na po muna si Tita Gilda. Baka naman po trabaho lang talaga ang pupuntahan niya. Uuwi din po 'yon kaagad." Ibinalik ko sa maliit na bag ang mga ginamit kong panggamot sa sugat niya.
"Nagka-boyfriend ka na ba?"
"Po?" Muli akong napalingon sa kanya sa tanong niyang 'yon.
"Dalaga ka na. Siguradong nagka-boyfriend ka na."
Nakaramdam naman akong bigla ng hiya. "Eh, m-meron naman pong mga nanliligaw pero ... wala pa po sa isip ko ang mag-boyfriend. Oh, baka wala pa rin po akong natitipuhan sa kanila."
Hindi kaagad siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.
"Magtatapos na lang po muna ako sa pag-aaral, Ninong, bago ako mag-boyfrie--"
"How about I offer you something?" putol niyang bigla sa sinasabi ko.
Napahinto naman ako at napatitig din sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Kasalukuyan siya ngayong nakaupo sa bar chair na umiikot-ikot. Ngunit mas mataas pa rin siya sa akin ngayon.
"A-Ano pong alukin? Ano pong iaalok niyo sa akin?" Hindi ko maintindihan ngunit bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko sa pagkakalapit naming dalawa.
Nalalanghap ko na ang gamit niyang cologne na napakabango ngunit nahahaluan ng amoy ng alak.
Hinawakan pa niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. Tumaas din ang isa niyang kamay sa mukha ko at marahan niyang hinaplos ang gilid ng pisngi ko.
Napansin ko ang pagtitig niya sa mga labi ko.
"Bear my child..."
Bigla na lamang akong napatulala habang nakatitig sa kanya. Ganun na lamang ang pagkalabog ng dibdib ko.
"A-Ano po?"
"That's my request to you ... Can you grant it? ... Bear my child..."
"N-Ninong..."