Matapos ang trabaho ni Livia ay sumakay na siya sa sasakyan, pinaharurot niya na ito patungo sa kanilang mansyon. Gabi na at inaasahan niyang nasa bahay na ang kapatid at Ama niya. Pagdating niya ay pinark niya na sa garahe ang kanyang sasakyan at pumasok na sa main door patungo sa kanilang sala.
“Where’s Father?” tanong ni Livia sa katulong na lumapit sa kanya upang tulungan siyang tanggalin ang coat na suot niya.
“At the Garden, Miss Livia. Nandoon na rin si Sir Brendan at Boss Laro, ihahatid na lang namin ang hapunan n’yo roon.”
“Thanks,” tugon niya at nagtungo na sa hardin.
Napatayo naman si Brendan nang makita na si Livia na papalapit sa kanila. “Livia,” tawag niya at pinaghila ng upuan para maupo ro’n si Livia.
“Anak, how was it?” ani Laro nang makaupo na si Livia.
Nakapalibot sila sa pabilog na table. Napapalibutan naman ng ilaw ang hardin kaya maliwanag at maganda pang tambayan lalo na kapag gabi dahil sa simoy ng hangin.
“It was successful, we sealed the deal.”
“Kayong dalawa na lang talaga ang maaasahan ko, Livia…” muli niyang tinignan ang anak at sunod ang panganay. “Brendan…Ikaw ang panganay, ikaw ang gusto ko—” hindi naman pinatapos ni Livia ang kanyang Ama.
“Hindi na kailangan, Ama. I’ll be the one to lead the Imperial Mafia. May kailangang gawin si Kuya,” desididong sabi ni Livia.
“Yes, Father. Kaya ako umuwi para sa karagdagang plano, sapat na ang oras na ‘yon para maisagawa n’yo ng maayos ang plano ninyo.”
“I see,” ani Laro at marahang tumango.
Natigilan lang sila sa pag-uusap nang dumating na ang ilang mga katulong para ihatid ang kanilang hapunan. Nilapag na nila ito sa lamesa pagkatapos ay tumungo bago umalis sa kanilang harapan.
“Kumain na muna tayo hangga’t mainit pa ang sabaw,” ani Laro.
Tahimik lang naman silang kumakain nang hindi na makapaghintay si Brendan kaya muli siyang nagsalita para sabihin ang kanyang plano.
“Gawin n’yo ang gusto ninyo basta sa huli ay makukuha natin ang Mafia Island.”
“Of course, Father. I’ll make sure of that. Besides, Gem Mafia is with us.”
“Indeed…”
“Kaya magpalakas ka, Ama para sa araw na ‘yon. Huwag mo muna kaming intindihin,” tumayo na si Livia at pumasok sa loob matapos niyang kumain.
Hindi na katulad nang dati si Laro kaya palagi siyang pinagsasabihan ni Livia na huwag pagurin ang sarili, nakabatay na sa dalawa ang plano ng Imperial Mafia.
Naiwan naman ang dalawa, napabuntong-hininga na lamang si Brendan.
“Guide your sister, Brendan. I trust you.”
“I am aware, Father,” tugon niya.
Tumayo na rin si Laro at pumasok na sa loob para makapagpahinga. Napatingala na lamang si Brendan at inisip ang kanyang Ina. “What would be the odds if our plans collide, Mother…”
Pagkatapos ipaliwanag ni Amira ang misyon para sa mga bata ay pinabalik niya na ‘to sa MU para muling mag-ensayo, hindi niya muna pinaalam sa kanila ang totoong plano kung bakit kailangan nilang magtungo sa iba’t ibang bansa. Ang mga Mafia Boss na ang bahalang magpaliwanag sa kanila kung saan sila kabilang.
“May ilang sasama sa mga bata para mapanatiling ligtas sila,” sabi naman ni Mortem matapos ipaalam sa kanila na siya ang mag-lead sa misyon ng mga bata sa tulong ni Ryker habang hindi pa sila nakakaalis ni Amira.
Mauuna ang mga bata bago sila Amira, hindi pa p’wedeng iwan ni Amira ang Isla. Napagdesisyunan din nila na hatiin ang bawat grupo na pupunta sa iba’t ibang bansa para hindi makahalata ang ibang Mafia.
“Sigurado na ba kayo rito?” ani Zurikka na tila may pangamba. “Pati ang anak namin kasama sa misyon? Seriously, Amira?” hindi talaga sang-ayon si Zurikka na isama ang anak niya na si Gabriel kahit na p’wede na ‘tong lumaban.
“It’s okay, I’m here. Hindi ko papabayaan ang anak natin,” saad ni Kane at hinawakan na ang kamay ni Zurikka.
“Hindi naman makakapayag na magpaiwan ang anak mo rito, Zurikka. Besides, may kilala ako sa iba’t ibang bansa na pupuntahan nila. Nasisiguro kong hindi mapapahamak ang mga bata roon,” tugon ni Amira.
“Okay,” at napabuntong-hininga na lamang si Zurikka.
“Walang mapapahamak,” Mortem assured them.
“Mas mabuti nang mahasa ang mga bata,” nagsalita na si Daem. “Hindi natin alam, baka bukas o makalawa, wala tayo sa tabi nila. Sino ang magliligtas sa kanila?”
“Ang sarili nila,” dagdag ni Rara.
Tumango si Fairoze. “At saka, ito na ang nakasanayan natin. Parte na rin ‘yon ng responsibilidad nila upang maging ganap na Mafiusu’t Mafiusa.”
“Huwag kayong mag-alala, nandito naman kami,” ani Ryker.
“Yeah, I’m sorry. Natatakot lang ako para kay Gabriel,” sambit ni Zurikka.
“We all do, Zurikka. Hindi ka nag-iisa kaya ang magagawa natin bilang mga magulang ay turuan ang mga anak natin na maging matatag at matapang sa kahit anong sitwasyon,” saad ni Ibbie.
“Ang galing naman ng asawa ko,” mahinang sabi ni Wilder, pinupuri si Ibbie.
Napangiti na lamang si Amira, gusto niya na ring magkaanak ngunit ayaw niya rin ‘tong mapahamak kaya hindi pa siya handa lalo na’t may pina-plano pa siya para sa lahat ng tao rito sa Mafia Island.
Matapos ang pag-uusap ay nagpaalam na sila kay Amira at Mortem, lumabas na rin si Tim para sa trabahong inutos sa kanya.
“Baby, are you okay?” tanong naman ni Mortem nang mapansin ang asawa na malalim na naman ang iniisip at hinigit niya ang upuan nito para mapalapit sa kanya.
“I’m sorry…” aniya at marahang hinaplos ang pisngi ni Mortem. “Alam kong gusto mo na ng anak pero hindi ko pa rin maibigay sa’yo dahil natatakot din ako katulad ni Zurikka.”
Hinawakan naman ni Mortem ang kamay ni Amira. “Hindi kita minahal para lang magkaanak tayo, Amira. I understand and respect you, baby. I love you and that’s enough for me,” at binaba niya na ang kamay ni Amira saka hinalikan sa labi.
“I love you, Mortem…” aniya at niyakap na ang asawa matapos siyang bigyan ng matamis na halik.
Gem Mansion
“Very well, I’ll wait them here. Hindi ko na pala kailangan pumunta sa MI.”
“Yes, Mistress,” ani Mitra sa kabilang linya.
“Thank you,” at in-end call niya na.
Paglingon ni Elizabeth kay Ken ay nakaupo na ito sa sofa na naka-dekwatro habang umiinom ng alak. “Bakit napatawag si Mitra?” tanong niya.
“Hindi na natin kailangan pumunta sa Mafia Island, sila na mismo ang pupunta rito,” may ngiti sa labi ni Elizabeth. Paglapit niya kay Ken ay napakandong siya, naibaba naman ni Ken ang hawak niyang baso sa table upang hawakan sa magkabilang baywang si Elizabeth. “Mas mapapadali ang plano natin, Ken. Nasa kamay ko na talaga ang kapalaran nilang lahat.”
“That makes you the best Mistress in the Mafia world, Elizabeth,” he also smiled, tempting to kiss Eliza’s lips.
“Kung hindi siguro ako nakinig sa’yo baka wala na ako sa harap mo ngayon,” at hinagkan niya na ang labi ni Ken.
They cherished this moment as they kissed nonstop.
Binuhat na ni Ken si Elizabeth patungo sa kama habang sinasagot siya. “Hindi ko naman hahayaang mangyari ‘yon. Hanggang sa matapos ‘to, mananatili ako sa tabi mo, Elizabeth. Ganoon kita ka-mahal.”
“I know and, I love you, too…” at muli niyang hinalikan sa labi si Ken.