PROLOGUE

1736 Words
“Aya, sigurado ka na ba talaga kay Herald? You’re better than this! You don’t need him. We’re gems, our mothers taught us to be like that!” hindi pa rin makapaniwala si Elizabeth, ang kilalang pinsan ni Aya. Kinupkop lamang ng Gem Mafia si Aya kaya naging Germana siya. Napagkasunduan sa mundo ng Mafia na maging anak ng Mafia Boss si Aya dahil hindi ito biniyayaan ng anak kaya nang makilala nila si Aya, hindi nag-alinlangan si Vermona na kupkupin si Aya bilang anak kaya sa pamilya naging pinsan siya ni Elizabeth. “I love him, is that enough?” nakangiting saad ni Aya, kasabay nang paghawak niya sa kamay ni Elizabeth. “No, Aya…Hindi p’wede! You’re the one who’s going to lead the Gem Mafia!” mas matanda si Aya kay Elizabeth. Tinuturing niya na itong kapatid na siyang hinahangaan niya kaya hindi niya magawang pakawalan si Aya. “No, you will, Elizabeth. Ikaw ang nararapat na mamuno sa kanila. Payagan mo na ako, ito ang gusto ko.” “But—” natigilan na lamang si Elizabeth nang makita ang reaks’yon ni Aya.  “Gusto ko ng makasama si Herald sa isla para sa magiging anak namin…” Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth. “You’re pregnant?” hinawakan na rin ni Elizabeth ang kamay ni Aya na nakahawak sa kamay niya. Marahan itong tumango. “Yes, nakaisip na rin kami ng ipapangalan sa kanya,” sabay tingin sa tiyan niya. “Kung lalaki, Asher ang naisip namin…Kung babae, Amira ang gusto kong ipangalan sa bata.” Tuluyan nang sumuko si Elizabeth. “Fine, kung diyan ka sasaya.” Muling ngumiti si Aya at niyakap na si Elizabeth. “Salamat, Eliza…” “Kapag nagkaproblema, lapitan mo ako agad, ha? Wala pa rin akong tiwala sa Mafiusung ‘yon.” “Kung dadating man ang araw na ‘yon, ikaw ang una kong lalapitan kasama ang magiging anak ko.” Sumilay na ang ngiti sa labi ni Elizabeth. “I can’t wait to meet your child.” Makalipas ang ilang araw, nagpaalam na si Aya sa kanyang mga kasama sa Gem Mafia upang sumama na kay Herald sa Mafia Island. Sa huling pagkakataon ay muling niyakap ni Aya si Elizabeth. “Aalis ka na talaga?” huling tanong ni Elizabeth, pinipigilang maluha. “Yes, Eliza. Hanggang sa muli…” at kumalas na siya. “Paalam,” mahinang sambit niya. Nang tumalikod na si Aya sa kanila ay hindi na napigilan nang iba na umiyak. Naging mabuti at magaling na kasama si Aya sa kanila, mahal nila ito kaya gano’n na lamang ang naging reaks’yon nila ngunit wala na silang magagawa dahil naiintindihan nila na masaya talaga si Aya sa panibagong buhay na tatahakin nito. Pagsakay ni Aya sa sasakyan ay tumulo na lamang ang luha sa mga mata niya dahil aalis na talaga siya sa Gem Mafia. Ma-mimiss niya sila. At kahit gano’n pa man, desidido na talaga siya na iwan ang Gem Mafia para sa panibagong magiging pamilya niya. Gusto niya mang isama si Elizabeth, hindi niya naman magawa dahil ang tunay na mamumuno sa Gem Mafia ay walang iba kundi si Elizabeth kahit na ang hiling pa ng kanyang Ina na si Vermona na maagang nagpaalam sa kanila ay siya ang mamuno, hindi niya magawang angkinin ang Gem Mafia dahil hindi naman siya totoong anak. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Aya nang makita na ang mahal niya na naghihintay sa Open area na binabaan ng eroplano. “Herald,” pagtawag ni Aya. Paglingon niya ay napangiti na rin siya. “Aya!” masiglang sabi niya at kaagad ‘tong niyakap nang makalapit sila sa isa’t isa. “Sasama ka na talaga sa ‘kin?” tanong niya pagkalas sa yakap. Tumango si Aya at ngumiti. Dahil sa pagkasabik ay muling niyakap ni Herald si Aya. “I love you,” sambit nito na ikinatuwa naman ni Aya. “I love you, too, Herald.” Pag-akyat nila sa private plane ay muling nilibot ni Aya ang kanyang paningin sa paligid dahil hindi niya na alam kung kailan ulit sila magkikita ni Elizabeth, mayamaya pa ay tuluyan na silang pumasok ni Herald sa loob ng eroplano habang magkahawak ang kamay. Aalis na si Aya sa bansang Italy upang sumama kay Herald sa Mafia Island. “Elizabeth, ngayong wala na si Aya at Vermona. Ikaw na ang papalit sa kanila,” ani Ken. Ang Mafiusung palaging gumagabay kay Elizabeth. Kilalang “Mafia Reaper” ng Gem Mafia. Napatango si Elizabeth habang nakatingala pa rin sa kalangitan, sila na lamang dalawa ang nasa labas ng mansyon. “I have a bad feeling of letting Aya be with Herald,” wala sa sariling nasambit niya. “Then, why did you let her?” “Because…She’s not happy anymore with us.” Napabuntong-hininga naman si Ken. “Magkakaroon na sila ng anak, Elizabeth. Normal lang na sumama na si Aya kay Herald. Don’t think too much.” “I don’t know, Ken. It doesn’t feel right.” “Kilala sa mundo ng Mafia ang Fire Gang at iba pang Gang na nasa MI. Malalakas sila, hindi nila papabayaan si Aya.” “Iyon nga ang problema, kilala ang MI kaya madaming magtatangkang kunin ang trono.” “Kung mangyari man ‘yon, sabihin mo lang, ako na mismo ang pupunta sa Isla para iligtas si Aya.” Napaharap na si Elizabeth kay Ken. “You’re not going to leave me, right? You’ll stay here for me.” Muli itong napabuntong-hininga at tuluyan nang niyakap si Elizabeth. “Till death do us part, Elizabeth.” Sa ilang taong nagdaan, nanahimik ang Gem Mafia sa mundo ng Mafia. Walang naging balita sa kanila, ang kanilang organisasyon ay tahimik na naglayag mula sa pamumuno ni Elizabeth at Ken. Nagpatuloy ito hanggang sa mabalitaan na lamang ni Elizabeth ang nangyari kay Aya mula kay Felipe na nagdala ng balita sa kanila. Labis ang pighati at poot na bumuo sa puso ni Elizabeth nang matuklasan niya na patay na si Aya ngunit hindi niya alam ang katotohanan dahil hindi binanggit ni Felipe ang buong detalye. “What happened?” tanong ni Ken nang makapasok siya sa kwarto na bumungad kaagad sa kanya ang luhaang mata ni Elizabeth. “Aya’s dead…” garalgal ang boses nito. Niyakap na lamang siya ni Ken nang mabasa na ang nakalagay sa papel na hawak ni Elizabeth. “Ken…Wala na si Aya, a-anong gagawin ko? Gusto kong maghiganti!” Nanatili pa rin ang pagyakap ni Ken kay Elizabeth, hindi niya ‘to binitawan. “No, we’ll stay here,” diin niyang sabi. “What? Why? They deserve to die!” “Calm down, Elizabeth. Hindi tayo pupunta roon, walang aalis.” Bahagyang lumayo si Elizabeth kay Ken. “What did you say?” nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa mga mata ni Ken na tila walang pakialam sa pagkamatay ni Aya. “Eliza—” “No, we will go there! Ito na ‘yong pagkakataon na muling magpakita kay Herald! Kailangan kong makita si Aya!” nagsisisigaw na si Elizabeth dahil sa labis na emosyong nararamdaman niya. “Patay na siya! Kahit ano pang gawin mo, hindi mo na maibabalik ang buhay ni Aya! You have to think, Eliza! Hindi kita papayagan pumunta roon dahil magulo na ang MI!” Tuluyang napaupo si Elizabeth sa sahig habang tumutulo na naman ang luha sa mga mata. “Gusto mo bang mamatay, ha? Ikaw na lang ang meron ako! Ayokong mapahamak ka!” Muling napahagulgol si Elizabeth, wala ng salita na lumabas sa bibig niya ang tanging paghikbi niya na lang ang maririnig. “Gusto mo ba na ako na lang ang pumunta ro’n? Sabihin mo, gagawin ko,” napaluhod na si Ken upang makapantay si Elizabeth. “Basta, makinig ka lang sa ‘kin. Ayokong pumunta ka sa islang ‘yon.” Kaagad namang umiling si Elizabeth at niyakap na si Ken. Ayaw niya rin ‘tong mapahamak, ayaw niyang pakawalan si Ken. Ayaw niyang mamatay ang mahal niya. Iyon na lamang ang inisip niya. “I’m sorry…” Tuluyan na ring napayakap si Ken kay Elizabeth. “Just wait for the right time, Elizabeth. I’ll be with you when that time comes. For now, listen to me, okay? I love you,” aniya na tuluyang nagpakalma kay Elizabeth. “Okay…” Matapos ang gabing ‘yon ay nagpatuloy ang katahimikang pamumuno ni Elizabeth sa Gem Mafia habang hinihintay ang itinakdang araw. Makalipas ang dekadang paghihintay, nagbalik sa aksyon ang Gem Mafia kung saan muling nadinig ang kanilang organisasyon sa mundo ng Mafia. “Elizabeth Caxton-Howard? Ken Howard? Does it ring a bell?” Napahawak na lamang sa dibdib si Amira nang maramdaman ang kabog mula sa puso. Tila inaalala niya kung kanino o saan niya ‘yon narinig. “Ryker, matagal ng wala ang Gem Mafia, paano ka nakakasiguro na nakilos pa ang organisasyon na ‘yon?” pagsingit ni Mortem dahil napansin niya ang asawa na hindi makapagsalita dahil sa balitang nalaman nito. Kasalukuyan silang nag-uusap tungkol sa balitang hatid ni Ryker sa loob ng meeting room ng Throne Palace.   “Ayoko ring maniwala pero ang kaibigan na mismo ni Daem na si Mitra ang nakatuklas sa kanila.” “I think…” nang magsalita si Amira ay kaagad nilang ibinaling ang tingin sa kanya. “Elizabeth, ang pinsan ni Ina. Natatandaan ko na, nagawa siyang banggitin noon ni Felipe.” “f**k,” ani Ryker. Napahigpit ang paghawak niya sa baso. “You’ll not going to believe this, Amira but, Gem Mafia is associated with the Imperial Mafia.” Nanlaki ang mga mata ni Amira, hindi niya magawang magsalita. “Ryker, tell them that we’ll have our meeting right now,” kalmadong utos ni Mortem na kaagad namang sinunod ni Ryker. “This can’t be…” nasabi na lamang ni Amira habang nakatingin sa mga mata ni Mortem, hinawakan na lamang ni Mortem ang kamay niya upang pakalmahin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD