Connected or not?

2493 Words
Ritz forehead furrows because of what Rocco said. "No no no. Palabiro lang talaga 'tong si Rocco." Inapakan ko ang ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa dahilan upang kumawala ang pagkakahawak niya sa akin. Wala pang sampung minuto ay inilapag na ni Ma'am Zera ang inorder namin sa lamesa. Umorder ako ng Lasagna Supreme at ganon din ang kanila. "Deanna if it is okay to you si Rocco muna ang ipaghahanap natin?" Ma'am Zera asked while we are in elevator. I just nodded and we search for men's attire after we had our lunch. Nanghinayang ako kanina kasi hindi naubos ni Rocco yung pagkain niya. Nakakahiya naman kung hingin ko sabihin naman nina mam napakapatay-gutom ko para kainin pa ang tira ng iba. Sayang kasi ang dami dami kayang batang nagugutom sa tabi-tabi tapos magtitira si Rocco ng ganong karami. "Do you have sport wear?" tanong ni ma'am don sa isang staff. "Yes po Ma'am ano po bang size." sagot nung staff. "Para sa kanya po ba?"turo niya kay Rocco and Ma'am Zera just shook her head. Habang pinaghahanap nung staff si Rocco ng susuotin niya busy ako sa pagtingin sa salamin na nasa harap ko. I'm just checking my outfit you know, nagpapaid-off pala yung pagdidiet ko and and pagwowork-out kas medyo nagkakahubog na ang katawan ko. Pero dun sa kinain kanina mukhang kailangan ko na ulit maburn 'yon kasi napasarap ang kain namin kanina. "Sir eto na po." abot nung staff. Pupunta na sana si Rocco sa fitting room when the staff blocked his way. "Sir sira po yung fitting room namin hindi pa po siya nagagawa." nahihiyang sabi nung staff. Anong klaseng shop 'to napakahalaga kaya ng fitting room sa mga customers tapos out of availability. Sayang ang pinapasweldo na may ari nito sa mga 'to. "Rocco diyan ka na lang magpalit." turo ni mam don sa sulok habang ako ay nakatingin pa rin sa malaking salamin na nasa harap ko at sinunod naman ni Rocco ang utos ni ma'am. I can see his reflection on the mirror. He is about to pull off his shirt and when he finally take it off I saw Ritz swallowed hard when Rocco flex his mouth watering six packed abs. I can't totally see his body on the mirror so I glance at him a little bit and immediately look away when he stares at my direction. "Mas ok kung shirtless ka na lang sa event. Charot" pagbibiro ni Ritz na siyang ikinatawa ko. Ang landi talaga ng baklang twoh. Rocco is wearing a red fly emirates football jersey. I can say that it suits his full-figured body from his chest down to his abs. He looks so hot and I suddenly bit my lower lip because of his level of sexiness that killing me inside. "How about you Deanna. Is that okay?" tanong sakin ni Ma'am Zera so I snapped myself out of my imagination and focus on Rocco's outfit. I just give my thumbs-up to ma'am. The jersey is paired by a jersey short too with pockets and two strap on each side. Hindi na 'yon sinukat ni Rocco dahil sabi niya kasya daw 'yon sa kanya. Nagpalit na si Rocco ng damit para ibigay na kay ma'am yung jersey. Eto namang si Ritz ay pinipilit pa rin na isukat ni Rocco ang shorts so ano Ritz? Gusto mo makita si Rocco na naghuhubo in public? After Ma'am Zera paid it. It's my turn so we look for women's attire now, wala kaming mahanap sa second floor so we went back at the ground floor. Good thing at pagkababa namin bumungad na sa amin 'yon. "Miss do you have a sports wear for her." turo sakin ni Ma'am pagkapasok namin sa shop. "Yes po, this way po ma'am." The staff guided us on our way. "Mamili na lang po kayo ma'am." "Ritz ikaw nga pumili." Ritz is busy talking to Rocco so Ma'am Zera grab his hand to pick my clothes. On the other hand Rocco gaze at me so I whisper something that can make him piss. "Kuya 150 hahaha." I whispered to him. Is that for real? The great Rocco Lozano know how to roll his eyes. It's so feminine, bakla ba siya? No way hindi ako napatol sa mga bakla. "Deanna here, punta ka na lang don sa fitting room." buti na lang at available yung fitting room nila. Ma'am Zera give me the clothes. First I try the blue long sleeve sport wear and a yoga gym jogging suit. When I go outside and look for Ma'am Zera to check my outfit. "Ritz?" tawag ni Ma'am. "I think she needs to wear a revealing outfit so she can showcase her sexiness?" tanong ni Ma'am Zera kay Ritz. "Agree beks. Feeling ko bagay sayo 'to, ito na lang isukat mo para matching colors kayo ni Rocco." At inabot ko yung ibinigay sakin ni Ritz good thing color red siya it also represent the grade ten. Ritz probably has a good taste in women fashion kasi tama siya mas maganda talaga sakin na medyo pabulgar ang suot ko para naman makita ng Arceans ang aking kasexyhan. So I wear this red seamless yoga sports b*a and a red cycling shorts. Ritz is right, this outfit really suit my body so I quickly leave this fitting room and look for them again. They look so speechless when I am currently turning around to expose my whole body in different angle. When I look at Rocco he suddenly glance to other direction. "Look who's slaying." Ma'am looked amazed with my outfit. Para silang nakakita ng model ng Dior o mala-Kendall Jenner na awrahan kasi ganito yung mga suotan ni Kendall. "Beks sana ganan kaliit ang bewang nung kabataan." sabi naman ni Ritz. "I love the way that outfit shows your petite body and reveals just enough of your skin." "How about you Rocco. What can you say?" muling pumaling si Rocco sa gawi ko. Rocco started to observe my body from head to toe. Kita ko pang bahagya siyang tumigil sa bandang tiyan ko."She looks so daring." I could feel my cheeks turning to pink because of his compliment. I'm kinda flattered biruin mo coming from Rocco Lozano na anak pala ng gobernador and a campus hottie talaga namang maappreciate mo kagandahan mo 'pag cinomplimentan ka niya. "Okay miss we'll get that." Ma'am casually said to the staff. I fix the clothes and proceed to the counter to pay it after I changed. I didn't know that I fell asleep during on our way back, nakakahiya baka mukha akong ewan habang natutulog kanina lalo pa at katabi ko ulit si Rocco. "See you on the general practice tomorrow kiddos." we're not a kid anymore! Ma'am tell us na sa kanya muna daw yung mga binili namin para daw maipakita rin kay Ma'am Escueta. "Ok ma'am" simpleng sagot ni Rocco. Naglakad na ako papuntang room ko and it is 2:30 in the afternoon good thing recess namin 'yon. Sabay kaming naglakad papuntang building namin ni Rocco not until his friend CJ called him so I continue walking alone. Nakita kong kausap ni Andeng si Sir Noel kaya pumunta ako don. "Oh Deanna...eto yung confirmation letter sa paglipat niyo make sure na mapepermahan 'yan ng magulang mo." paalala sakin ni Sir. Binasa ko muna yung letter bago ko ilagay sa bag. "Saan ka galing?" tanong ni Andeng sakin. I told her na we went mall to find and buy for my attire in connection with the event.Papasok na kami sa room at wala pa halos yung mga kaklase ko pero andoon na si Iyah. "Nasaan si Aubrey?" "May meeting sila sa Student Council kanina pang tanghali." Iyah answered while chewing a bubble gum. "How was she?" Nag-isip muna si Iyah saglit kung ano isasagot niya. "Galit pa rin sayo ang lola mo." I sighed, as what I expected mukhang wala ng balak si Aubrey na pansinin ako kapaag nakabalik na siya rito. It's almost time, last period na namin pero wala pa rin si Ma'am Escueta. Maybe she is busy managing the event I remember she was the chairman of it siguro may aattend na lang na substitute sa kanya. Nagandahan kaya si Ma'am sa pinamili naming damit kasi panigurado napakita na 'yon ni Mam Zera sa kanya kanina pa. May pumasok na isang grade ten student pansin ko 'yon dahil red ang lace niya. She has shoulder length hair, she looks so bossy on her aura medyo maliit siya, mukha lang siyang mataas dahil nakaheels siya. Her eyes narrowed when she observed our room. "Kindly arrange your seats?" she raised a brow. Tila walang umibo at nakarinig ng utos niya sa amin kaya inulit niya yung command niya ng pasigaw. Bossy nga 'to. "Sino ka para utusan kami?" sagot ni Khaila. As usual hindi naman madaling sabihan ang mga kaklase ko we're at the bottom and we have this bad attitude to everyone. Tumawa pa yung mga kaklse ko sa reaksyon nung babae matapos siyang sagutin ni Khaila. Feeling ko ngayon lang siya nakapasok sa regular section. "You don't know me?" she raise her brow again and walk closer to Khaila. "I'm Coraline Gallardo call me Cora..." "Sana mahanap mo yung pake namin diba at nagpakilala ka pa talaga uto-uto ka." I chuckled a bit to what Khaila said to her. Popcorn na lang kulang parang may magsasabunutan ngayon ah. She crossed her arms now. Pikon na pikon na yung coraline at mukhang pinagtutulungan na rin siya ng mga kaklase ko habang kami ni Iyah ay nanunuod lang sa maaaring mangyari sa pagitan nila. The girl still stood up with head high and looked pissed now. "Ahhh talaga paano kung sabihin ko sayo na anak lang naman ako ni Senator Lauren Gallardo." she quoted. Oh my gosh she is the daughter of Senator Gallardo? Our mouth went round. I could see that Khaila is now trembling I could feel it. Ngayon ko lang nakita si Khaila na kinakabahan mukhang nakanap na siya ng katapat niya. Wala nang nagawa si Khaila kaya padabog itong bumalik sa upuan niya. Nagkatinginan kami ni Iyah ay bumulong ng 'talo ang manok natin' hahahaha. I guess anak ng mayayaman at ng mga politika ang mga nasa pilot class kasi katulad rin siya ni Rocco na anak ng isang opisyales. "Call me Cora for short. I'm from the pilot class and Ma'am Escueta told me to become her substitute for today." maarteng sabi niya. I heard something popped and when I follow where it came from. I swallowed hard because it was the bubble gum of Iyah. "Hindi mo iluluwa 'yan?" sigaw nung Cora at lumapit siya kay Iyah. Nasa likod ko si Iyah at nakatalikod yung Cora sa akin. "Get it for yourself." matapang na sabi ni Iyah at inilabas niya ang dila niyang may bubble gum. Tumawa yung mga kaklase ko sa ginawang 'yon ni Iyah. Khaila should pass her crown to Iyah haha. I know Iyah won't let her over rule kasing palaban siya ng mga palaban. Mas malakas at maatittude pa kay Khaila but if you will know who Iyah truly is, napakabait lang naman niya sa lahat ng kaklase ko at lalo na sa mga kaibigan niya. Sinampal nung Cora si Iyah dahilan upang tumalsik yung bubble gum sa sahig. Rinig ko ang pagkalagapak non sa pisngi ni Iyah at pansin kong sobrang pula nito. "Baka gusto mong isumbong kita sa mommy kong senador." she threatened Iyah with her words. Sumosobra na 'tong babaeng 'to ha. I know Iyah is wrong at the first place but tama bang saktan mo ang isang tao para itama ang nagawa niyang pagkakamali. I don't like the way she use her mom's power as a threat against us. I stood up and grabbed her hand that she used to slap Iyah. She is now facing me and I can see na nasaktan siya sa pagkakahawak ko. Pinilipit ko talaga yung braso niya para madala. "How could you do that." I pointed her face. Magsasalita na sana siya nang umimik ulit ako. "Kung akala mo matatakot mo ako sa nanay mong senador pwes hindi. Oo alam kong mali ang ginawa ng kaibigan ko pero mas mali yung sinampal mo siya para matanggal yung bubble gum." "Sa true, may kamay naman siya bakit hindi na lang niya kinuha 'yon sa dila ni Iyah." Khaila said and my classmates laugh. Cora signed them to shut up. Her eyes are burning with embarasment and anger. Marahas niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig. It really hurt. Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa niya. Parehas kami ni Iyah ngayn na nakatunganga matapos saktan niya. "Walang lugar yang marumi mong kamay para hawakan ang kahit anong parte ng aking katawan!" maarte niyang pinunasan ang palad niya. Mas malinis pa nga ata 'tong kamay ko kaysa sa budhi ng babaeng ito. "Deanna anong nangyari sayo?" nang sulyapin ko kung sino yon. Nakita ko na lang na agad na lumapit si Sir Noel sa akin. "What did you do to her?!" sigaw ni Ma'am Escueta na nasa loob rin pala ng room. What a perfect timing! Clap, clap, clap. Hindi makapagsalita yung Cora. She parted her lips and hide it inside. She's speechless. She walked away to our room but Ma'am Escueta followed her. "Ok ka lang ba Deanna, anong nangyari." she help me to stand up but I can't ang sakit ng balakang ko kaya inalalayan na rin ako ni Iyah tumayo. "Sir ok lang po ako wag niyo na lang problemahin yung nangyari." simpleng sagot ko habang hawak pa rin ang balakang ko. "No way mananagot si Ms. Gallardo sa ginawa niya. Remeber class kahit nasa lowest section tayo hindi ko hahayaang naaapi kayo ng ibang section. Kaya kong ipaglaban kayo dahil alam kong tama ang ipinaglalaban ko kaya huwag kayong matakot na sabihin sakin kapag may nangaway ulit sa inyo." I like the way sir said 'kahit nasa lowest section tayo' he is with us, he always protect us and we just nodded to what he said. Inalalayan ako ni Iyah pabalik sa upuan ko. "Sir baka naman gusto niyong ipakilala yung kasama niyo sa labas." sigaw ni Sarmiento kaya napalingon ako sa sinabi niya. May babae sa labas ng room namin, who is she? "Ulol, hindi mo man lang kinamusta si Deanna mas napansin mo talaga 'yon eh hindi naman natin siya kilala." sinapok ni Khaila si Sarmiento. Kahit kailan talaga tangahin talaga 'tong si Sarmiento. "Yeah right. Class I want you to meet Seryne siya ang makakasama niyo bilang kapalit kina Deanna at Andeng kapag nakalipat na sila." Sir let the girl in. "Hi I'm Serenity Corales Gozon, Seryne na lang for short." Corales? My mouth went round when I remember someone who is Corales too? Connected ba siya kay Ely?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD