“Just keep it a secret! Oras na may nakaalam na nabuntis ko ang isang hampaslupang kagaya mo… ipapapatay kita! – Troy Cervantes
Dahil sa labis na takot ng 18-year old na si Hera Isabella sa amo na nakabuntis sa kanya ay napilitan siyang palabasin sa mata ng lahat na nabuntis siya ng kung sinong lalaki na nakilala niya lang sa beerhouse.
Anak si Hera ng labandera sa mansion ng 35-year-old na si Troy Cervantes na namumuhay nang mag-isa sa buhay. Isang gabi ay naisuko ni Hera ang sarili sa among kasing lamig ng yelo ang ugali.
Hanggang saan makakayanan ni Hera na dalhin ang pinagbubuntis gayong hindi maganda ang pakikitungo ni Troy sa kanya? Paano pipigilan ni Hera ang puso na unti-unting nahuhulog kay Troy na ikakasal na sa iba?
TROY CERVANTES AND HERA ISABELLA DIAMANTE