“What?!”
Hindi makapaniwalang bulalas ko nang makareceived ng message galing kay Gelo na ayaw pumayag ni Liam na babae ang architect na makakasama nito para sa kasalukuyang project na ginagawa.
Inis na napapikit ako at saka napasapo sa noo. Ilang araw na lang ay matatapos na ang palugit na binigay sa akin ni Daddy. Sa katunayan ay meron na s’yang seminar na naka-set para sa aming dalawa ni Noah. At hindi naman ako ganun ka-manhid para hindi malaman na ginawa lang talaga n’ya ‘yon para paglapitin kami ni Noah! Tsk! That old man and his cunning ways!
“Ma’am!”
Napaayos ako ng upo nang bumukas ang opisina ko at pumasok mula doon ang secretary kong si Mitchy na inutusan ko para sunduin ang dalawang trainee na pinakiusap ko sa HR ng LEF para makasama ko dito sa opisina para sa isang linggo na mawawala pansamantala si Mitchy dahil s’ya ang inutusan kong sumama kay Noah para sa seminar na sinet up ni Daddy.
Alam kong ginawa n’ya talaga ‘yon para kulangin ako ng oras para iharap si Liam sa kanya. Kung akala n’ya ay maiisahan n’ya ako ay nagkakamali s’ya. Besides, Mitchy is authorized to attend every event to represent me.
Nakita kong nasa likuran na n’ya ang dalawang trainee sa architecture department sa LEF. Agad na pinakilala sila ni Mitchy sa akin.
“Sina Belyn at Christine nga pala, Ma’am,” pakilala n’ya sa dalawang babae. “Girls, si Architect Siobeh. S’ya ang Boss ko at makakasama n’yo dito hanggang sa isang linggo. ‘Wag kayong mahihiyang magtanong sa kanya kapag may hindi kayo maintindihan kasi hindi naman nangangain ‘yan kagaya ng dati n’yong Boss!” natatawang dagdag ni Mitchy kaya kumunot ang noo ko at nagtatanong ang tingin na tiningnan ang dalawang trainee.
“Bakit? Sino bang dati nilang Boss sa LEF?” hindi ko napigilang usisa dahil halos lahat ng architects at engineers sa LEF ay kilala ko. Si Liam lang naman ang hindi ko talaga kahit kailan nakasalamuha o sadyang umiiwas talaga ang isang ‘yon sa mga social gatherings?
“Sino daw ‘yung dati n’yong Boss na ubod ng sungit?” natatawang tanong ni Mitchy sa dalawa na nagkatinginan pa bago nagsalita ng sabay at nakayuko.
“S-si Engineer Liam po…” halos panabay nilang sagot kaya agad na napaayos ako ng upo at namimilog ang mga matang tiningnan silang dalawa.
“Naging apprentice n’ya kayong dalawa?!” nabibiglang tanong ko dahil ang sabi ng HR ay bago lang daw ang dalawang trainee na ipapahiram n’ya dito sa Axis. Kung bago lang sila, bakit ang bilis nilang natapos magtraining?! Nagkatinginan ulit silang dalawa bago sabay na tumango. “Did he… kick you out?” tanong ko at nagbabakasakaling mali ang nasa isip ko pero tuluyang umawang ang bibig ko nang sabay silang tumango. “Holyshit…” hindi ko naiwasang bulalas. Bumungisngis si Mitchy at saka natatawang nagpaliwanag sa dalawa.
“Crush n’ya ‘yon…” nakangising sambit n’ya at saka tinuro ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mata ng dalawa.
“Crush?!” hindi nakapigil na bulalas ni Belyn habang hindi malaman kung paanong tingin ang gagawin sa akin.
“S-sure na po ba kayo d’yan, Architect? Na crush n’yo?” komento naman ni Christine. Lalo tuloy akong naintriga dahil sa reaksyon nilang dalawa. Tumikhim ako bago nagsalita ulit.
“Gwapo kaya…” sabi ko na tinatantya ang maging reaksyon nilang dalawa. “Hindi ba? Gwapo naman talaga ‘di ba?” tanong ko pa. Sabay silang tumango.
“Dati po ‘yon noong… noong hindi ko pa alam na suplado s’ya…” si Belyn ang unang nagsalita na sinegundahan naman agad ni Christine.
“Mawawala po ang pagka-crush n’yo kapag… nakasama n’yo na kahit isang araw lang…” sabi n’ya at saka kinagat ang ibabang labi. Tumaas ang kilay ko.
“So, ang ibig n’yong sabihin… ‘wag akong magpapabudol sa itsura ng Liam na ‘yon, ganon ba?” tanong ko. Hindi sila sumagot at pareho lang na yumuko kaya lalo na talaga akong na-intriga. Inutusan ko si Mitchy na pag-miriendahin muna ang dalawa bago turuan ng mga dapat nilang gawin dito sa opisina.
Isang oras na lang bago mag-lunch break ay bumisita sa opisina ko si Jen kaya takang-taka ako at chineck pa ang schedule ko pero wala akong nakitang nag-set s’ya ng appointment sa akin ngayong araw.
Engr. Jen Mijares is one of the junior Engineers in LEF. May sariling Engineering Firm ang pamilya n’ya but she chose to work in LEF. And I somehow envy her for doing such a brave decision. Kung hindi ko rin siguro pinili na magtrabaho sa company namin ay malaya ako at hindi kinakailangang sumunod sa gusto ni Daddy.
“What brought you here, Jen?” nagtatakang tanong ko habang pinapanood s’yang umuupo sa swivel chair sa harapan ng table ko. Bumuntonghininga s’ya kaya tumaas ang kilay ko. I guess, it’s not work related this time! At mukhang alam ko na kung tungkol saan ang sadya n’ya!
“Do you have an ongoing project, Siob?” tanong n’ya kaya tumaas ang kilay ko bago umiling.
Meron na sana kaya lang ay tinanggihan ng Liam na ‘yon!
“Wala pa. I am still discussing the details with Gelo–”
“Really?!” namimilog ang mga matang tanong n’ya na hindi man lang pinatapos ang sinasabi ko.
“Why? Why are you asking if I have an ongoing project?” naiitrigang tanong ko na. Tumitig muna s’ya sa akin pagkatapos ay umayos ng upo at ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng table.
“Gelo asked me to attend the 70th birthday of one of the VIPs of LEF. Chairman asked him to send someone to represent the firm. Ako lang kasi ang walang ongoing project dahil under negotiation pa yung isa,” sagot n’ya at saka tumitig sa akin.
“So, anong problema kung mag-aattend ka?” nakataas ang kilay na tanong ko. Kinagat n’ya ang ibabang labi bago muling nagsalita.
“Sven– I mean, my ex-boyfriend will come too. Isang Engineer at isang Architect kasi ang balak ipadala ni Gelo dahil malayo ‘yon…” alanganing sambit n’ya kaya lalong tumaas ang kilay ko.
“So, you want me to go there with you instead of Sven? Ganun ba?” tanong ko nang makuha ang gusto n’yang mangyari. Kinagat n’ya ang ibabang labi at saka tumango.
“Please, Siob–”
“No way,” mabilis na sambit ko at saka nakangusong tumitig sa kanya. Pinanood ko kung paano nalaglag ang mga balikat n’ya at saka nalulumong hinawi pataas ang buhok. Agad na gumana ang isip ko at sa isang iglap ay nakaisip agad ako ng solusyon sa problema n’ya.
“God! I hate to be with that guy…” parang nafufrustrate na sambit n’ya habang hinawi pa rin ang buhok kaya agad na nagsalita na ako.
“What if I go there instead of you?” suhestiyon ko kaya agad na umayos s’ya ng upo at saglit na nag-isip.
“You and Sven are both architects–”
“I didn’t say that I am going there with Sven,” mabilis na sagot ko at umiling sa kanya. Kumunot ang noo n’ya na halatang hindi nakuha ang gusto kong sabihin.
“I don’t get it. Kung hindi si Sven ang makakasama mo, then who else?” nalilitong tanong n’ya. Ngumisi ako.
“I can make him back out,” determinadong sabi ko at saka muling tumitig sa kanya. “Just make sure to inform Gelo that I will be attending that party instead of you,” paalala ko. Nakita ko ang mabagal na paglunok na ginawa n’ya bago tumango. “When and where is it again?” tanong ko pa.
“Valencia, Bukidnon. Near Lake Apo…” sagot n’ya at tumitig muna ulit sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. “His birthday is the day after tomorrow. So, bukas ng hapon ang magiging flight…” sagot n’ya. Napasinghap ako at agad na napaisip.
I’ve been there to Lake Apo once and the electricity is limited. Sobrang hina din ng signal at swerte na lang kung meron pang masasagap!
No distractions and definitely secluded to life here in Manila! In short, masosolo ko ang atensyon ng kung sino mang makakasama ko doon!
A devilishly grin plastered on my lips as I watched how Jen stood up to talk to Gelo over the phone. Ang luwang ng ngisi ko habang iniisip kung paano ko mapapapayag si Sven na mag-back out sa pagpunta sa party para ako ang pumalit sa kanya at kumbinsihin si Liam na pumunta doon para makapalit ni Jen!
Pigil na pigil ang ngisi ko nang sa wakas ay matapos kausapin ni Jen si Gelo at sinabi n’yang pumayag naman ito.
Tingnan ko lang kung makawala ka pa sa akin, Liam! The tranquil nature will witness how you will give in to me!