Umiling ako kay Noah at saka tumawa ng mahina. “I’m not drunk,” sagot ko at saka nakangising hinawi ulit patalikod ang buhok kong nililipad ng hangin. “Just a little bit tipsy?” dagdag ko pa at pinagdikit ang kanang hintuturo at hinlalaki ko sa harapan n’ya. He smirked and flashed his set of perfect and white teeth. “I can’t believe that I am seeing you like this,” komento n’ya at saka nakita kong tumagilid ang ulo sa akin. “Are you already showing your bad side now that we’re bound to marry each other?” dagdag n’ya pa na hindi ko matukoy kung nagbibiro o ano. I seldom laughed at his subtle remarks. Ngayon lang yata ako tumawa dahil hindi ko makontrol ang sarili ko. And it’s not as if I was laughing because I was happy with whatever he said. Tumatawa ako dahil natatawa ako sa sitwasyon.