Isang araw bago ang kasal ni Raquel sa lalaking pinagkasundo sa kan'ya ng mga magulang niya. Sa lalaking kahit sa anino'y hindi niya pa nakikita. Tumakas ang dalaga,pinili niyang lumayo mula sa karangyaang meron siya. Bilang nag-iisang tagapagmana ng De Silva construction company.
Sa piniling desisyon ng dalaga. Pinandigan niya ito. Namuhay siyang mag-isa mula sa kayamanang mayroon ang pamilya nila. Kung ano-anong raket ang pinasok ni Raquel.
Sa kan'yang pagpasyang paglayo nakilala siyang si Rockie Silva. Ang babaeng naging raketera kahit ang totoo'y lahat kaya niyang makuha. Kahit pa ang lalaking sobrang ilap sa kan'yang si Antonio Tolentino. Ang lalaking may mataas na pangarap na ayaw sa babaeng katulad niyang inaakala nitong tulad nito mahirap rin siya.
Babalikan nga ba ni Raquel ang buhay prinsesa kung ang kapalit nito'y tuluyang pagkawala niya sa buhay ni Antonio. O mananatili siyang si Rockie kahit na harap-harapan siyang tinatanggi ng isang binatang kaya niyang bilhin pati pagkatao nito.
Pero paano kung sa pagbabalik niya sa pamilya malaman niyang siya pala ay huwad na tagapagmana?