Simula

2303 Words
Abot tainga ang ngiti naming magkakaklase dahil sa wakas ay natapos na namin ang aming Master's Degree. Naipasa na namin ang thesis na ilang buwan din naming pinagpaguran at ngayon ay may panahon na para magsaya. Sabay-sabay naming itinaas ang mga basong hawak namin at nag-toast. "Cheers to the best days of our lives that are coming for us!" Ramdam ko ang mainit na paghagod ng alak sa lalamunan ko. Kahit na bakas sa mukha ng lahat ang pagod, nakakatuwang makita na ngayon ay nakakahinga na kami nang maluwag. I never thought graduating could be a weight off my shoulders. Nandito kami sa Royal Club para mag-celebrate. Tanda kong dito rin kami madalas magpunta ng mga kaibigan ko noon. Naging busy nga lang ako sa thesis kaya hindi pa ulit kami nagkikita-kita nila Quinn, Tiffany, Reign, at MJ. But I really can’t wait to share with them the good news! And just when I thought this day couldn't get any better, napahiyaw ako nang marinig ang pagtugtog ng paborito kong kanta. Tinaas ko agad ang dalawang kamay ko sa ere, pumikit at inangat-baba ang mga balikat ko kasabay ng beat nito. Enjoy na enjoy ako kaya bukod sa napapasayaw na ako sa kinauupuan ko gaya ng iba, hindi ko pa mapigilan ang pagkanta. “Oh! She’s sweet but a psycho!” Inubos ko pa ang natitirang laman ng baso ko bago ito muling pinuno. They were all laughing at each other’s stories before they looked at my direction and paid attention to me. Paulit-ulit silang sumigaw ng one shot kaya napangisi ako at ginawa agad ito nang walang pagaalinlangan. Sumigaw ako pagkatapos at nagpalakpakan sila. Dalawang beses pa nila akong hiningan ng one shot kaya naman kahit hindi pa malalim ang gabi, ang init ng singaw ng katawan ko at pakiramdam ko lumulutang na ako sa kalasingan. But who cares? I’m free! Ito na yata ang simula ng totoong paglaya ko. "So, Bobbie what's your plan now?" Hindi ko agad napansin kung sino sa mga kaklase ko ang nagtanong nito kaya ngumiti na lang ako sa lahat. Anyway, I’m actually friends with everyone here so it doesn’t matter. Simple lang ang sagot sa tanong nila dahil matagal ko na rin naman itong napagisipan. Mas lalo lang itong naging malinaw sa akin noong nag-thesis kami. Gusto kong magturo, gusto kong ibahagi lahat ng natutunan ko. Pwede akong maging professor kahit isa akong Savage dahil nandyan naman si Kuya para suportahan ako. He was the one who encouraged me when I told him that I wanted to study communication. Siya rin ang kaisa-isang natuwa noong sinabi kong gusto kong kumuha ng master’s degree for communication research. Akmang ibubuka ko na ang bibig ko para sumagot nang matigilan ako dahil sa pag-ring ng phone ko. I excused myself and answered the phone call when I saw that it was Ms. Mabelle. Hindi naman ito tatawag ngayong oras kung hindi mahalaga ang kanyang sasabihin. Alam din naman kasi niyang nasa labas ako kasama ng mga kaklase ko. "Hi Ms. Mabs! Na-congratulate mo na ako kahapon ‘di ba-” “I have bad news, princess.” Ms Mabelle’s voice sent shivers down my spine. Ang baba ng boses niya kaya nakakakaba tuloy. Although she’s very strict to others, especially to our employees, she’s not normally like this when it comes to me. Kahit naman kasi hindi kami magkadugo ay pamilya ang turing namin sa isa’t isa. “What’s wrong? May nangyari ba sa office?” Sandali siyang natahimik. Nakita ko namang sinalinan ulit ng alak ang baso ko kaya hinawakan ko ito at inangat palapit sa labi ko.  “Mr. Savage has resigned from his position-” Nabitawan ko ang baso at narinig ang malakas na pagbagsak nito sa lamesa. Tumapon pa sa damit ko ang laman nito kaya napatayo ako para umiwas. “-at nawawala rin siya ngayon kaya pinapahanap na siya ni Mrs. Savage. I’m sorry, princess…” Napatingin ako sa nagtatanong na mukha ng mga kasama ko. Binubukas-sara nila ang kanilang bibig pero wala akong maintindihan. Maging ‘yung iba pang sinasabi ni Ms. Mabelle sa kabilang linya ay hindi ko na rin maproseso. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang binibiyak ang ulo ko. I chose to end the call and tried my best to hide my fears. Ayokong masira ang mood ng mga kasama ko kaya ngumiti akong pilit. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero inagawan ko na lang ng alak ang katabi ko at uminom ulit. Ang pait! Mas matapang pala ang alak sa baso nito kaya agad din akong nagsisi. “Are you okay, Bobbie?” Panay ang ubo ko. Hindi ko na naman napansin kung sino sa mga kasama ko ang nagtanong nito kaya tumango na lang ako at nagsalita. “So where were we?” “Ikaw na lang ang hindi pa nagsye-share ng plano mo ngayon.” Narinig ko ang pagtawa ko kahit wala namang nakakatawa. Pakiramdam ko tinatawanan ko ‘yung pagbabago ng buhay ko sa isang iglap lang. My entire existence feels like a joke to me now. ‘Yung mga plano kong nakapila na ay mistulang nabasura dahil sa nalaman. I know I’m good at giving advice but now that I badly need one for myself… I just couldn’t think of anything other than the fact that my life sucks. Iba pala talaga kapag ikaw na ‘yung nangangailangan ng payo. Nakakamanhid. Bumuntong-hininga ako bago napagdesisyunang sabihin ang unang bagay na pumasok sa isip ko.   “I need to get pregnant.” Bumilog ang bibig ng mga kasama ko, ang iba’y nasamid pa. Halatang hindi sila makapaniwala sa narinig mula sa akin at naghihintay na sabihin kong nagbibiro lang ako. Kaya nang natahimik na ako ng ilang minuto’y tyaka pa lang sila nagpalakpakan. May ilang natawa pa bago nagbigay ng kanilang komento. “Paano ka mabubuntis e wala ka ngang boyfriend ngayon.” “Burn!” Umirap ako sa kanila. “Don’t worry, it’s so simple -- kung sino man ang lalaking sunod na papasok sa Royal Club, siya ang yayayain kong gumawa ng baby,” sabi ko bago tinaas-baba ang kilay. Narinig ko ang kabi-kabila nilang panunukso tyaka dahan-dahang napatingin sa entrance ng Royal Club. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil ngayon lang ako magpapaka-impulsive ng ganito. Kahit may mga pagkakataon na nagiging pasaway din ako, sanay akong pinagiisipan ng mabuti ang lahat ng ginagawa ko. Kahit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ko ay sinasala ko rin ng mabuti. Dahil takasan ko man ang pagiging Savage, iyon pa rin ang dugong dumadaloy sa akin. Nilaro ko ang dulo ng buhok ko gamit ang daliri ko, kinulot-kulot ito habang pabulong na sumasabay sa kanta. Kagaya ko’y nagaabang din ngayon ang mga kasama ko sa susunod na papasok ng club. “Nako Bobbie. Walang bawian kahit chaka ‘yung lalaking papasok ah?” Napahagikgik ako. I’m actually prepared for the worst. Sigurado akong mas kaya kong tiisin ang itsura nito gaano man kapangit kaysa sundin si Mommy. And just when the music changed into a slow sweet one, my knight in shining armor walked in. Only this time, he’s not wearing armor nor carrying a sword, he’s a dashing man in a black suit, carrying a leather briefcase. Pakiramdam ko bumagal ang oras. Inalog-alog ako ng katabi ko at ang iba’y nagtilian pa nang makita ang lalaking kanina pa namin hinihintay. Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas bumilis ang t***k ng puso ko. Dahil sa itim na salaming suot niya’y mas lalo siyang nagmukhang seryoso. He has a clean cut hair that perfectly fits his well-defined jaw. Tuloy ay kapansin-pansin ang pinagkaiba niya sa ibang lalaking nandito sa club. Oo’t may pagka-arogante ang dating niya pero mukha namang mapagkakatiwalaan. Ang linis niyang tingnan at parang ang bango-bango pa! Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinapat ito sa tainga niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at paniningkit ng mga mata na para bang kahit nasa club siya ay trabaho pa rin ang kanyang inaatupag. “Yes, this is Miguel Zaporteza...” There was authority in his voice that makes him more attractive... or maybe the right word is sexy. Napailing ako dahil sa panlalabo ng mga mata ko. Hindi ko man siya makita ng malinaw, natutuwa ako dahil kahit minsan ko na nga lang iasa lahat sa tadhana ay mukhang sinuwerte pa ako. “Ano na Bobbie? Uso rin tumayo! Mabigat ang pwet?” Tinulak na ako ng mga kasama ko kaya napatayo ako at muntikan pang masubsob. Kabado man, inayos ko ang sarili at taas-noong lumapit sa lalaking magliligtas sa akin ngayong gabi. Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo… Nabaling sa direksyon ko ang atensyon niya kaya napangiti ako. Itinaas ko ang kamay ko para kumaway sana kaya lang agad din siyang nag-iwas ng tingin. Kinamot ko na lang tuloy ang ulo ko para matakasan ang pagkapahiya tyaka binasa ang labi ko. Pahintuin mga kamay ng oras sa relo… I don’t know why but there’s something weird in the way I walk. Parang hindi na diretso. Hindi tuloy ito nakakatulong sa plano kong pangaakit. Nakatapat pa sa tainga niya ang kanyang cellphone nang huminto ako sa harapan niya. Dahil sa pagiiba-iba ng kulay ng ilaw, napapikit ako sandali nang kumirot ang ulo ko. At nang buksan ko ulit ang mga mata ko, malabo man ay naaninag kong nakatingin na rin siya sa akin. Napalunok ako. Hindi ko na dapat pang pag-isipan ang sunod kong gagawin. Kaya naman hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita nang siilin ko siya ng halik sa labi. Kahit na halatang galing siya sa trabaho ay amoy bagong paligo siya, I could even taste mint from his soft parted lips. Major turn on ang kalinisan ng lalaking ‘to. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg dahilan kung bakit nasanggi ko ang cellphone niya at nalaglag ito sa sahig. Tumingkayad ako nang bahagya. Mas matangkad pala ito sa akin dahil halos hanggang leeg lang niya ako. I can’t believe I managed to kiss him despite the height difference. My mouth was all over his as I tried my best to deepen the kiss. I have enough experience in this area kaya confident naman ako sa ginagawa ko. But just as when I was about to slide my tongue inside his mouth for a little thrill, hinawakan niya ako sa magkabilang braso at mabilis na inilayo mula sa kanya. Nahila ko tuloy nang bahagya ang ibabang labi niya at dito napansin ang pamumula nito.   “I love you. Let’s make a baby!” I declared before I lose my remaining confidence. Parang gusto nang tumakas ng puso ko mula sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Nagawa ko pang ngumiti kahit nakasibangot siya sa akin. Nang magkaroon ng kakaunting distansya sa pagitan namin, nakita ko na siya nang mas malinaw. Binasa ko ulit ang labi ko sa nerbyos. Bukod sa namumula niyang tainga, nakita ko ang malamig na tingin niya sa akin bago pinulot ang cellphone niyang basag na ang screen ngayon. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ko! “Oh! Sorry. Palitan na lang natin ‘yung phone mo. Gusto mo ‘yung newest model pa!” Masayang offer ko sa kanya. It seemed like he was still inspecting his phone, checking if it would still work despite the damage. E mukha namang lumang-luma na ito, bakit hindi pa niya palitan? Habang ginagawa niya ito, napatingin naman ako sa mukha niya na ngayon ay mas malinaw na sa akin. Madilim ang awra niya na para bang inis na inis siya. Pamilyar siya sa akin kaya napaisip agad ako kung saan ko ba siya nakita. “Anong sinabi mo?” ‘Yung boses niya. Malamig at sobrang lalim. Kuya’s voice was already intimidating, but he was able to surpass that. Isang tao lang ang alam kong may ganitong boses. Nakakunot ang noo ko nang tumayo siya ulit sa harapan ko. Paano’y unti-unti na siyang rumerehistro sa isip ko. At halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking ‘to! Napasinghap ako. Tinuro ko ‘yung lalaki sa harapan ko. Oo nga’t siya si Miguel Zaporteza. Si Miguel Zaporteza na ex-boyfriend ko! Pakiramdam ko nasa loob ako ng Korean drama ngayon. Hindi ko inaasahang maiipit ako sa ganitong sitwasyon. Bukod sa nakatayo na ako sa harapan ng ex boyfriend ko, hinalikan ko pa siya at sinabihan ng I love you! Ang malala pa rito, sinabi ko pang gusto kong gumawa kami ng baby! “What you did is punishable by law,” He said indifferently. “Uhm, sorry?” Masyado akong nabigla sa mga pangyayari. Nahihilo ako dahil na rin siguro sa dami ng nainom. Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras agad ako. Ngumisi ako at tumawa nang mahina. “According to Republic Act 11313, otherwise known as the Safe Spaces Act, the crimes of gender-based streets and public spaces s****l harassment are committed through any unwanted and uninvited s****l actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.” Hindi naman na niya kailangan pang magyabang sa akin. Alam ko namang matalino siya noon pa lang. Nang ibaba niya ang ulo niya para maging kalebel ng akin ay napaatras pa lalo ako. Kaya lang muntikan na akong ma-out of balance kaya mabuti nasapo niya ang beywang ko. “Ibig sabihin pwede kitang kasuhan sa ginawa mo,” naniningkit ang kanyang mga mata. Kung makatingin siya sa akin ng masama ay parang wala kaming pinagsamahan. At dahil mukhang wala siyang balak ungkatin ang nakaraan namin, magaling din naman akong umarte gaya niya. Pwedeng-pwede ko siyang sakyan. Tinulak ko siya papalayo sa akin at nagawang tumayo nang maayos. Tumunog ang phone ko at nakitang text ito galing kay Ms. Mabelle. Ms. Mabs: Mrs. Savage is on the way to the club. Mas kinabahan ako at nagsimula nang pagpawisan. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid para sana tingnan ang ibang options ko kaya lang nakita kong wala na talaga akong choice. Kaya itinaas ko ang kamay ko, inabot ito kay Miguel para makipagkamay. “I’m Bobbie Ann Savage...” And I guess I need to tame you first before you become mine. Kumindat ako at ngumisi samantalang mas lalong lumukot ang noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD