“INIISIP mo ba na si Alistaire at ang Xavi Buencamino na ‘yan ay iisa?” Hindi ako nakasagot. I just found the right person to talk about what’s going in my mind. I knew it’s foolish, pero hindi ko mapigilang isipin na baka nga gano’n. Tiningnan ko si Jowell na nasa aking screen. Kasabay ng malungkot na ngiti ay gumulong ang mga butil na luha na kanina pa namuo sa mga mata ko. Nanghahapdi ang lalamunan ko sa pinipigilang emosyon. Nagsabay-sabay lahat - pangungulila, lungkot, pag-asam, takot at sama ng loob. Pangungulila para kay Ali. Na kung bibigyan ako ng pagkakataon na makasama ulit siya ay hindi ako magdadalawang-isip. Lungkot para sa panibagong pag-ibig na hindi ko alam kung hanggang kailan. Pag-asam na sana nga si Xavi ay si Ali. Pero natatakot ako dahil kung siya nga iyon, paano n