Wala ng nagawa ang lalaki at nagpahila na lang ito sa akin palabas ng club. Pagdating sa harap ng sasakyan ko ay agad ko itong sinenyasan na sumakay na, pero parang nag-alangan pa ito kung sasakay ba o hindi. Kaya naman napilitan akong alisin ang suot kong shades at tinaasan ito ng kilay. “Oh, ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na nga. Ikaw na rin ang magmaneho since ikaw naman ang nakakaalam kung saan ang address ng magnanakaw na 'yun.” Inihagis ko na sa kanya ang susi, at agad naman nitong nasalo gamit ang isang kamay. “Fine.” Napilitan itong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo sa driver seat. Napangiti naman ako at pumasok na rin sa loob. Hanggang sa pinaandar na nito ang kotse paalis ng parking area. “Ano nga pala ang pangalan mo, miss? You have a beautiful pair of blue eyes. Are