"JOHN!" AGAD na turan ni Carissa ng makita ang lalaking nakatayo sa may pintuhan nila nang mapagbuksan ito. Napalunok siya dahil sa hitsura nito. "Aaa—anong ginagawa mo rito at pa—." "Mama.." tawag sa likuran niya. Ang anak na sumunod pala sa kaniya. "Anak, bumalik ka muna sa kusina. Mag-uusap lang ako ng tito John mo." Turan dito. Agad namang tumalima ang anak matapos tumingin sa kaniya ng alanganin. Agad na lumabas at kinausap ang lalaki. Ayaw niyang marinig ng anak ang pag-uusapan nila. "Please Carissa, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka.." sumamo nito. Naaawa siya rito pero ayaw niyang paasahin ito. Tumulo ang luha niya, hindi siya manhid para hindi masaktan para dito pero kailangan niyang maging matatag. Kasi kung magiging mahina siya at tatanggapin ito baka hindi ri