Chapter 6

1148 Words
***SHARIENA*** Isinama ko siya sa aking penthouse para kumuha ako ng mga gamit ko na dadalhin sa aming pupuntahan. Kita ko kong paano siya humanga sa tinitirhan ko, speechless yan ang itsura niya habang umiikot ang paningin sa buong kabahayan. Nang matapos na ako ay binitbit ko na ang aking bag. "Come." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta sa rooftop kung saan andun ang chopper ko na naghihintay na sa amin. "Is that yours?" Sambit niya, pakiwari ko ay nagulat siya sa chopper na nakita niya. "Yes, it's all mine." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ang ibig mong sabihin ay lahat ng ito?" Ani niya na gulat na gulat. "Yes.! Ang buong building na ito ay pag aari ng aking magulang. Kaya kapag nakuha ko na ang last will ni Dad ay mapapasakin na ang buong building na ito." Paliwanag ko sa kanya. "Let's go?" Muli kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila ko na pasakay ng chopper na kanina pa umaandar. Kanina habang bumabyahe kami ay nagpadala na ako ng mensahe sa piloto para ihanda ang chopper papuntang boracay. Sa Boracay kami pupunta. Kaya ini ready kona ng lahat para mabilis kaming makarating sa aming pupuntahan. Tahimik na nakatingin lang siya sa himpapawid habang nakasakay kami sa chopper. Siguro ay hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya sa pagkatao ko. Yes may kapangyarihan ako pagdating sa pera kaya kong mag utos kahit magkano pa ang ibayad ko makagante lang sa taong nagpapatay sa magulang ko, pero mas gusto kong sa kamay ko mismo mamatay ang taong iyon. Kahit sino pa siya wala akong pakialam kahit kadugo ko pa siya, kung dugo lang ang pag uusapan dito ay hindi ko na tinatanaw na kadugo ang taong nagpapatay sa magulang ko. Dahik ang lalaking misyon ni Vincent ay ang aking uncle na siyang nag utos para ipapatay kami ng aking magulang, siya ang lalaking gusto kong patayin sa mga kamay ko. Babawiin ko ang lahat ng ninakaw niya sa akin, sa amin. Pati buhay ng magulang ko, buhay ng magulang ko ang kinuha niya pwes buhay niya rin ang nais kong kapalit. Nakatingin ako sa kanya na malalim ang iniisip kaya naman hindi ko napansin na nakatitig na pala siya sa mukha ko. "Gwapo ba ako sa mga mata mo?" Bigla kong ipinilig ang aking ulo at bahagyang pinikit ang mata, tama naman na biglang may tumulong luha. Pinahid niya ito gamit ang daliri niya. "Why?" Tanong niya. "Uhm. Wala may naalala lang ako." Idinilat ko ang aking mata at ngumiti rin sa kanya. _________ "Kaya mo bang makipag sanib pwersa sa akin? Ako ang bahala kung paano natin mapapalabas sa lungga ang lalaking yun. Iisa lang ang misyon natin, kaya kailangan natin mag tulungan. Pero pag kaharap na natin siya ay ipaubaya mo siya sa kamay ko, ako mismo ang kakalabit ng gatilyo ng baril na kikitil sa buhay niya." Mahaba kong sambit na ikinagulat niya. Kasalukuyan na kaming nagpapahinga sa couch ng hotel dito sa Boracay. "Paano?" Ani niya na nagulat sa sinabi ko. "Ako na ang bahala, sa ngayon ay mag enjoy muna tayo dito sa Beach dahil sa mga susunod na araw ay hindi biro ang kakaharapin nating buhay, alam kong dadanak ang dugo ng hacienda Villaruel sa pampanga." Sambit ko na naka kuyom ang kamao. Nakita kong ipinilig niya ang kanyang ulo at nagsindi ng sigarilyo saka humithit at nagpakawala ng usok. Nagtungo ako sa banyo para magbihis at balak kong ayain siyang mag swimming dahil mag gagabi na at mas masayang maligo sa gabi. Nagsuot ako ng two piece swimsuit na kulay pula at pinatungan ko lang ito ng puting manipis na crochet beach robe saka lumabas ng banyo. "Wow, look at you. Anong gagawin mo?" Sambit niya nung nakita ako. Alam kong humanga siya sa suot ko na kita ang makurba kong katawan. "Ano pa ide mag si swimming tayo tonight. Mag bihis kana at kakain muna tayo sa restaurant sa gilid ng dagat habang naghihintay ng pag dilim." Ani ko, agad naman siyang tumayo at may kinuha sa bag bago pumasok ng banyo. Nagsuot lang siya ng beach shorts at sando na kulay abo. Labas na labas ang mga muscle sa katawan niya, napalunok naman ako ng laway. Mukhang pinagnanasaan ko na naman ang mala adones niyang katawan. Parang kiniliti ang gitnang bahagi ng aking mga hita kaya naman ay parang may kuryente na naglakbay sa aking buong katawan. Minamanyak ko na naman ang taong ito, kaya naman ay walang imik na nauna na ako lumabas ng hotel bago ko pa siya tuluyang manyakin. Simula nung unang may nangyari samin ay hinahanap hanap ko na ang kanyang katawan, na animo parang lagi akong uhaw sa katawan niya, sa sinsasyong bumalot sa aking buong katawan parang palagi ko yun hinahanap hanap. Bumaba na kami ng hotel na pareho ng tahimik sa isa't-isa, walang kahit isang letra ang lumalabas sa bibig namin hanggang sa nakarating na kami sa restaurant. "Ma'am, sir. Magoorder na po ba kayo." Tanong ng isang waiter na lumapit sakin pag upo namin. "Yes please." Ani ko at omorder na kami ng pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay hinila ko siya papunta sa dalampasigan para manood ng sunsets, ngayon ko lang mai experience na makanuod ng sunset na may kasama at ito pa ang lalakeng palihim ko nang minamahal. Oo mahal kona siya, masaya akong kasama siya at ayuko nang mawalay sa kanya kahit anong klase ng lalaki pa siya, tatanggapin ko dahil siya ang itinitibok ng puso ko ang unang lalaking minahal ko at pinag alayan ng aking pagkaberhin. Umupo kami sa buhangin at humarap sa dagat, para abangan ang sunsets. "Ilang besis kana naka kita ng sunset?" Tanong ko sa kanya. "Ngayon lang siguro yan ang naalala ko." Ani niya. "Alam mo ba sabi nila, kung sino daw ang kasama mo manuod ng sunset at sunrise ay siya daw ang taong nakatadhana sayo." Sambit ko saka nakangiting tumingin kung saan nakapwesto ang araw saka isinuot ang black shades. Ramdam kong tumahimik siya at nakatingin sakin, alam kong may nararamdaman din siya sakin pero ayaw ko siyang pangunahan. Hinayaan ko siyang titigan ako baka sakaling mahalin din niya ako. "Nuon kasama kong nanunuod ng sunset ang magulang ko nuong nabubuhay pa sila. Pero simula nung nawala sila ay ako nalang mag isa palagi ang nanunuod nito habang tumutulo ang luha." Sambit ko. Masaya din pala pag may ibang kasama maliban sa magulang, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong damdamin na yung lalaking hindi mo inaasahan na dumating sa buhay mo ay kasama kong nakaupo sa beach habang naghihintay na lumubog ang araw. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya habang nakangiti nung nakita kung papalubog na ang araw, naramdaman ko naman na hinawakan niya ang aking balikat at hinimas himas ito. Biglang nag flashback ang mga nangyari nung araw na naaksidinte kaming mag anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD