Chapter 19

1045 Words
Pagbaba nila sa motor ay napansin agad ni Shariena na umiiyak ang isang batang babae ang bunso ni Rey. "Tintin, bakit ka umiiyak?" tanong niya agad ng malapitan na ang bata na nakaupo sa sahig sa bungad ng pinto. "Si tatay po kasi tiya eh," saad nito. Agad naman siyang kinabahan baka kung anong nangyari kay Rey. "Ano nangyari Tintin? sabihin mo?" pag aalala niyang tanong sa bata. "Dinala po siya ni nanay sa hospital tiya kasi po bigla po siya natumba kanina habang paalis sila papunta sa palengke," sumbong nito at patuloy parin umiiyak. "Alam mo ba kung saang hospital siya dinala?" tanong niyang muli sa bata. Ngunit hindi alam ng bata kung saan dinala ang ama at mas lalo lang umiyak ang batang babae, niyakap niya ang bata at hinaplos ang likod para mapatahan sa pag-iyak. Kailangan nilang hanapin kung saang hospital dinala si Rey. "Sige na pumasok kana, ito may pasalubong kaming pagkain ha? asan ba si kuya mo?" tanong niya. "Sinama po ni lola sa palengke dahil sila lang muna daw po ang mag-tinda sayang daw po kasi ang benta," sagot ng bata na patuloy paring umiiyak. "Pumasok kana at mag lock ka ng pinto dito ha? at wag kang magpapa pasok ng hindi mo kilala, kumain ka muna at papauwiin namin si lola at kuya Fred mo para may kasama ka dito saka pupuntahan namin ang tatay mo," mahaba niyang saad sa bata at sumangayon naman ang anim na taong gulang na bata. Umalis na sila sakay ng motor para pauwiin ang mag lola. "kawawa naman si Kuya Rey, kailangan natin siyang tulungan Vincent," saad niya sa binata habang nakagapos ang balikat sa bewang ng binata. "Oo Shariena, kumapit kalang dyan" tugon nito sa dalaga. Makalipas lang ang ilang minuto ay iniliko ang motor sa kanto papunta sa isang malapit na hospital, sa bungad palang ng hospital ay nakita na ni Shariena ang asawa ni Rey na umiiyak habang naka upo sa hagdan sa gilid. "Ate Melit, ano po ang nangyari?" tanong ng dalaga sa babaeng umiiyak. "S-Si R-Rey wala na," sagot sa kanya. Dahil sa nabalitaan ay mabilis na tumulo ang luha ni Shariena, ang lalaking nag ligtas sa kanya ay wala ng hindi pa naman siya nakaka-bawi ng lubusan dahil sa pagliligtas sa buhay niya sa kamay ni Francis. Ayon sa kwento ng asawa ni Rey ay inatake ito sa puso, dead on arrival. Simula paman daw noon ay dalawang beses na ito inatake ng labis na kinatatakutan ng asawa, ngayon ay tuluyan nawala sa kanila. "Nakikiramay kami ate Melit," saad ni Vincent. "Maraming salamat po sa inyo sa lahat ng tulong niyo," aniya. Sila kasi ang gumastos sa funeral at pati narin na pagpapalibing sa susunod na araw. Habang kinakausap ni Vincent si Melit ay may natanggap siyang text sa hindi kilalang numero dahil hindi ito naka rehistro. "Umalis na kayo sa lamay dahil may mga kalabang paparating" "s**t!" napamura pa ang binata ng matapos mabasa ang mensahe. Nagpalinga linga si Vincent sa paligid bago kinabig si Shariena na abala sa pag aasikaso sa mga nakikiramay na mga kapitbahay. "Shariena, kailangan na nating umalis!" aniya at mabilis silang nagpaalam kay Melit. Mabilis silang nakasakay sa motor at agad itong pinaandar ni Vincent, sa ibang deriksyon sila dumaam para hindi nila masalubong ang sasakyan na sinasabi ng nagtext sa kanya. "Kumapit ka ng mabuti Shariena!" saad ni Vincent sa dalaga. Mabilis naman na hingpitan ni Shariena ang pagkaka pulopot ng kanyang braso sa bewang ni Vincent. "Ang baby natin Vincent natatakot ako," aniya na parang iiyak na dahil natatakot sa anumang pwedeng mangyari sa kanila ng gabing iyon. "Hindi ko kayo pababayaan Shariena," saad ni Vincent at kinapa pa ang kamay ni Shariena. Habang nilalakbay nila ang kahabaan ng kalsada ay may nasalubong sila na dalawang itim na sasakyan. Dahil hindi naman kita ang nasa loob ay naging kalmado lang si Vincent sa pagmamaneho ng motor, habang angkas si Shariena na mahigpit ang kapit sa likod niya. Ngunit nakita ni Vincent na nag U-turn ang sasakyan kaya agad siyang naalarma, mas binilisan niya ng pagpapa andar ng motor at imbis na edirtso niya ang motor sa street na kalsada ay iniliko niya ito sa isang iskenita na alam niya na motor lang ang pwedeng makadaan duon. "Si boss?" tanong niya sa lalaking nakabantay ng gate sa mansyon ni Don. Hugo. "Nasa loob," sagot naman ng lalaki sa kanya. "Boss, kailangan ko ng lugar na mapagtataguan kay Shariena alam mo ang sitwasyon!" aniya sa amo. "Nice to meet you Shariena," saad ni Hugo ng lumapit ito sa dalaga at inilahad ang kamay. "Nice to meet you too Mr.?" tanong nito sa lalaking ngayon lang nakilala. "Don. Hugo Branson," pagpapakilala nito sa sarili. "Nice to meet you Mr. Branson," aniya at tinanggap ang kamay ng lalaki. "Bweno, may lugar akong pwede pagtaguan ni Shariena pero mahihirapan kayo oras na manganak na siya," saad nito. Nagkatinginan naman ang dalawa na tela nagtatanong ang mga mata. "Pwede ko kayo ipahatid ngayon mismo," saad nito at tumalikod habag inilagay ang dalawang kamay sa likod. "Mag desisyon kayo para matawagan ko ang tagapangalaga ng lugar at mapaayos ko ang kwarto duon," dugtong pa nito. "Maraming salamat boss," saad ni Vincent sa amo. "By the way Vincent, tatawagan kita kung may ipapagawa ako sayo. Sa ngayon ay kailangan niyo muna maka alis alam kong pinaghahanap kayo ng mga tauhan ni Francis palagi akong nakasubaybay sainyo," saad nito at may tinawagan sa telepono. Makalipas lang ang ilang minuto at may dumating na chopper sa isang malawak na damuhan sa likod ng mansyon ni Hugo. "Maraming salamat ulit boss," sambit ni Vincent sa amo at hawak ang kamay ni Shariena ay naglalakad na sila papunta sa naghihintay na chopper. Inayos ang mga sarili ng makasakay na sila sa Chopper, nilagyan ni Vincent ng setbuilt si Shariena na kanina pa tahimik. "Are you okay baby?" tanong ni Vincent sa dalaga na may pagaalala habang hind pa lumilipad ang chopper. "Yeah okay lang ako," sagot na nito. Hindi na muling nagsalita si Vincent, baka naninibago lang ang dalaga sa nangyayari sa mga bagong mukha na nakilala niya. Habang nasa himpapawid ay tahimik parin si Shariena at hindi umiimik sa binata, maya maya ay ipinikit nito ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD