ZONE 66 ( 66 Palaces ) REIGNING EMPEROR : NEO YGDRASSIL “Kamahalan, may iisang imperyo ang namamayagpag sa kanluran. Pero hindi sila nakikilahok sa digmaan. May labing-dalawang kaharian na nasasakop ang kanilang nasa puwestong emperador na si Larius Griffin.” Tiningnan ni Neo ang mensahero sa kanyang harapan. Nakapangalumbaba siya sa kanyang trono. “Mapakikinabangan ko ba siya?” putol ni Neo sa kausap. “Kamahalan, sa palagay ko ay isang magaling na emperador ang namumuno sa imperyong ‘yon. Ang mga lider na napili mo ay pareho siyang pinadadalhan ng mga mensahe nang pag-anib.” Nakuha no’n ang atensiyon ni Neo. Ang iba sa kanyang mga naatasan ay masyadong mainit, at digmaan ang pipiliin ng mga iyon higit sa pakikipagkasundo nang maayos. “Mayamang bayan?” tanong uli ni Neo. “