SIANA'S POV “Sobrang saya ko naman,” tuwang-tuwa si Siana habang nililibot ang aklatan ng lola ni Prince Guild na si Lola Carmela. “Mas natutuwa akong makilala ka,” ang kagalang-galang na matanda ang nagsalita. Malakas pa ito sa edad na walampu. Si Prince Guild ay nakaupo lang at nagbabasa at pasimple lang na tinitingnan ang dalawa na mukhang sayang-saya. Natutuwa rin siyang masaya si Siana at ang kanyang lola. “Mahilig ka ba sa mga aklat nang kasaysayan?” Napatitig si Siana sa matanda, “Depende po, lola. Pero kung irerekomenda mo, bakit hindi? Sa totoo niyan, pakiramdam ko parehong-pareho tayo ng taste sa mga aklat.” Tuwang-tuwa naman si Siana. Kinuha ni Carmela ang susi sa bulsa at binuksan ang gitnang bahagi ng book shelves kung saan may libro roon na naka-locked at makikita lama