Sa totoo, naaawa ako sa kaniya pero paano ko siya matutulungan? "Ummm... Kaye, may tanong lang ako sa'yo I hope you don't mind." Sabi ni donya Marlyn. "Yes po?" "Ikaw ba ang naggupit sa aking anak?" Matagal bago ako nakasagot sa tanong ni donya Marlyn dahil sa isip ko ay baka magalit ito. "O-opo, paano naman kasi nakakatakot ang kaniyang hitsura parang ermitanyo. Tapos kagabi niyaya niya akong mag-inuman, kahit hindi ako umiinom ay napilitan ako ng dalawang shot. At doon po siya nakatulog sa sala ng aking kubo kaya naisipan kong alisin ang kaniyang balbas at buhok." Mahaba kong tugon. "Actually... hindi niya alam na ikaw ang naggupit sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ginawa mo, Kaye." She said and smiled. Sumapit ang gabi at kasalukuyan akong nasa sala nang aking kubo nang makita