"RealIy?" I'm so excited. Dahil mula sapul ay hindi ko pa nasubukan ang sumakay ng kabayo. Kinuha ni Derick ang kaniyang paboritong kabayo at naghintay ako sa labas nang makabalik siya ay nakasakay na ito sa itim na kabayo. "Halika." Sabi niya sabay lahad ng kaniyang kamay. "Hindi ba nakakatakot?" Tanong ko. "Bakit ka matakot kasama mo naman ako." Tugon niya. Dahil first time akong mangabayo ay sa likod muna niya ako pinasakay. "Hold tightly," Utos niya. Kinabahan ako ng husto kaya yumakap ako ng mahigpit. "Ready?" He asked. "Yes!" Tugon ko. Napasigaw dahil nagsimulang tumakbo ang kabayo at tinago ko pa ang aking mukha sa kaniyang likod. "Hey! Whats up? Paano ka matuto kung ayaw mong tumingin." Sabi niya at may punto naman siya. Hanggang sa unti-unting bumilis ang mga hakbang n