Ayeza Blythe's POV Akala ko hindi na ako mailang sa kanya dahil na sabi ko ng hindi ko siya totoong gusto pero mali pala ako. Mas lalo lang lumala ang pagkailang ko sa kanya dahil sinabi niya na gusto niya ako. Gusto ko lang naman na tahimik ang puso ko pero bakit niya ginugulo? Bakit niya ako na gustohan? Maling magustuhan ang tulad ko. Maling magustuhan ang babaeng katulad ko na hindi kilala ang mga magulang. Mababang uri lang din ako ng babae at hindi nakapagtapos. Sana pala naging mas maingat ako. Ayokong ma-involve ang kahit anong love sa pagitan naming dalawa. Ayaw ko sa lalaking katulad niya. "Blythe, kapag ba pinayagan na akong lumabas ng doctor, patitirahin mo ba ako sa apartment mo?" Biglaang tanong niya habang tahimik kaming na nonood sa t.v Mamayang alas singko pa ang pa