Ayeza Blythe's POV "Bye, Ayeza! Ingatan mo ang bataan mo hah!" hiyaw ni Agatha ng makarating kami sa harap ng ospital. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya dahil sa lakas ng sigaw niya at napapatingin pa sa amin lahat ng mga tao sa ospital. Naglakad ako palayo kay Agatha na parang hindi ko siya kilala. Napahawak ako sa ano ko habang naglalakad pupunta sa kwarto ni Ryle. Hiyang-hiya ako sa sigaw ng kaibigan ko at baka isipin pa ng mga tao ginagawa kong motel ang ospital nila. Mabuti na lang ng maagap ako at mabilis na nagpanggap na hindi ko siya kilala. Napa higpit ang pag hawak ko sa regalo ko kay Ryle at mabilis pumasok sa kwarto niya habang hinihingal pa. "Oh ayos ka lang ba? May humahabol ba sa'yo?" tanong niya. kung nakakalakad lang siguro siya baka sinalubong niya na ako. Punong-pu