Ayeza Blythe's POV Matamlay na tinitignan ko ang mga taong padaan-daan sa harapan ko habang nakaupo ako sa may lobby ng ospital. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo dito pero mas pinili kong magpalipas ng oras dito. Ayaw ko pang puntahan si Ryle sa kwarto niya. Hanggang ngayon sobrang laki pa rin ng impak sa akin ng sinabi niya. Pakiramdam ko ako ang mali kahit sinubukan ko lang naman siyang itama. Para akong tanga na nang himasok sa buhay niya. Akala ko may karapatan ako pero wala nga pala. Simula kahapon na mag-away kaming dalawa, itinatak ko na sa isip ko ang mga salitang binitawan niya sa akin pero ang huling sinabi niya ang pinaka na tandaan ko. 'Pero hindi ako ang lalaking 'yon. Hindi ako ang lalaki na palaging handang kausapin ang kung sino mang babae at mas lalong