PROLOGUE
PROLOGUE
Malungkot akong nakatingin kay Carla na sumakay ng sasakyan. Halos lahat ng mga kasabayan ko ay nabili na.
“Kailan kaya ako makakaalis dito sa ampunan,” sabi ko sa aking sarili.
“Hoy! Margie tumulong ka sa mga gawain dito!” sigaw naman ng aking isang kasamahan.
Sumunod naman ako sa kanya para tulungan siya.
“Margie gusto mo sumama sa amin mamaya?” sabi naman ni Anne sa akin na isa sa mga kasamahan ko.
“Saan naman?”
“Pupunta kami mamaya sa opisina ni ma’am Lila,” nakangiti niyang bulong sa akin.
“Anong gagawin natin doon? lagot tayo kapag mahuli tayo,” sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.
Dati ko pa sila napapansin na tumatakas sa gabi, ,pero biinaliwala ko lamang dahil ayaw ni Carla na mangingi-alam kami sa kanila.
Bigla naman akong nalungkot, dahil naalala ko si Carla.
“Sana mabait ang nakabili sa kanya,” ani ko sa aking sarili.
“Margie gumising ka na aalis na tayo.” Nagmulat ako ng aking mata at nakita si Anne na nakatayo sa aking harapan.
“Ano ba kasi ang gagawin natin sa opisina ni ma’am Lila?”
“Basta halika na habang tulog na ang mga bantay.”
Sumunod ako kay Anne at nakita ko ang ibang mga kasamahan namin.
“Shhh wag kayong maingay dahan-dahan lang sa paglakad.” mahinang sabi sa amin sa isa pa naming kasama.
Sumunod naman kami sa kanya at dahan-dahang naglakad. Nang marating na namin ang opisina ni ma’am Lila ay agad nila itong nabuksan,kahit may lock ito nagtaka naman akong napatingin sa kanila pero hindi nalang ako nagtatanong pa.
“O bilisan niyo na pumasok na kayo.” sabi ni Anne sa amin. Mabilis naman kaming sumunod sa kanila.
Binuksan agad nila ang ilaw sa loob ng opisina at may mga hinalungkat.
“Ano ba kasing hinahanap niyo dito?” tanong ko kay Anne.
“Ito oh!" Itinaas niya ang kanyang kamay, habang may hawak na mga papel.
“A-ano yan?” tanong ko sa kanya habang nagtataka.
“Magazine tawag dito, narinig kong sabi sa isang bantay kasi inuutusan siya kanina ni ma’am Lila na kunin iyong magazine, at ito iyong nakita kung hawak niya,” ngiti pa niyang kwento sa akin.
“Talaga ano bang meron diyan?”
“Madami, ano kaba mga gwapo raw.” dagdag niya pa habang nakangiti na binubuklat ito.
“Gwapo ano iyon?”
“Ano ka ba? iyong magandang lalaki kunwari tayo, magandang babae sila naman magandang lalaki gwapo”
“Alam mo Anne, ang dami mo namang alam,” sabi ko pa sa kanya.
“Kasi nagmamasid ako lagi dito eh,” dagdag niya habang tumatawa.
“O ito, tingnan mo ang gwapo diba?” Turo niya pa sa isang litrato ng lalaki.
“Oo matangos ang kanyang ilong pero mukha naman siyang masungit.” sagot ko naman kay Anne habang nakangiti siya sa akin.
“Hayaan muna, may obs naman,”
“Obs ano iyon?”
“Obs, iyong parang batu sa tiyan nila. Ano ka ba? iyan kasi lagi lang kayong nagkukulong ni Carla.”
“Hayaan mo na, saan ba iyong obs dito?”
“Ito o, may anim na obs.” Turo niya pa sa may tiyan ng lalaki sa magazine.
May anim nga siyang obs.