Mattea's POV Inihinto ni Mr. Gutierrez ang sasakyan sa gilid ng isang tulay bago tinanggal ang pagkakasuot ng kanyang seatbelt. Napanganga ako nang awtomatiko itong lumabas kahit na masyadong malakas ang pagbuhos ng ulan. Kaagad itong nabasa kaya hindi ko maiwasang mag-alala atsaka tuluyan na ring tinanggal ang saetbelt. "M-Mr. Gutierrez!" Sigaw ko nang buksan ko na ang pinto ng sasakyan. Hindi niya ako nilingon at basta-basta na lang naglakad papalapit sa tulay. Napatingin ako sa buong lugar dahil ni isang tao ay walang naglalakad dito sa direksyon namin. May mga sasakyan pero bihira lang kung dumaan dito. Napatakip ako sa aking bibig atsaka dali-daling tumakbo papunta sa kanyang direksyon ng sumampa na ito sa sementadong railings ng tulay. Hindi na nito inalinta ang malakas na