Mattea's POV Taimtim kong pinagmamasdan ang babaeng naglalakad papalapit sa isang gripo rito. Hindi ko kasi alam kung paano gumana ang gripo nila rito. Ilang beses ko na itong pinindot-pindot kung saan, pumalakpak pa nga ako eh, pero wala talagang tubig ang lumalabas. Napanganga ako nang itapat niya lang ang kanyang kamay atsaka ito tuluyang gumana. Lintek, ganon lang pala 'yon? Tsk! Kaagad ko siyang ginaya atsaka naghugas ng aking mga kamay. Lumabas din ako sa banyo pagkatapo at nagpasyang tawagan sina Gianna para kamustahin. Pasado alas otso na ng gabi, kailangan ng matulog ni Mauvy bago mag alas nuebe dahil maaga pa siyang papasok sa eskwelahan bukas. Lumabas ako sa mismong lugar atsaka tinungo ang parking lot nila rito na ngayon ay walang katao-tao. Ilang ring lang at sumag