Mattea's POV Dalawampung minuto na akong naghihintay sa loob ng isang magarang silid dito. Ayokong lumabas dahil baka maligaw ako sa laki ng bahay na 'to. Sinabihan ako ng lalakeng naghatid sa akin na dito na mas mainam kung dito lang ako sa loob hanggang sa puntahan ako rito ni Mr. Gutierrez. Maraming mga tanong ang bumabagabag sa aking isipan ngayon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nakaganon ang boss ko, hindi ko rin alam kung anong klaseng relasyong ang meron sila ng lolo niya para basta-basta niya lang pagsalitaan ng ganon. Ayokong manghusga kaagad sa kanya dahil wala naman akong alam, wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa buhay ni Mr. Gutierrez. Napahawak ako sa aking kamay habang nakaupo rito sa ibabaw ng kama. "If you're flirting with someone else, make sure I'