KABANATA 3

1918 Words
Mattea Velia's POV Nakakapagod! Pang ilang interview ko na ba 'to? Hanggang ngayon ay wala paring tumatawag sa akin ni isang kompanya na inapplyan ko. Mukhang hanggang interview lang talaga ako nito. Buti na lang at wala si Mauvy ngayon sa apartment na tinutuluyan namin. Tulad ng pinangako ni Gianna nong nakaraang linggo ay kinuha nga niya ang anak ko para bantayan muna ito. Kinuha ko ang pagkakataong ito upang maghanap pa ng maghanap ng pwedeng pagtatrabahoan. Talagang sinulit ko talaga kaya heto ay pagod na pagod akong naglalakad sa gilid ng daan. Malapit na rin naman ang apartment ko rito kaya--- "Ay nako! Bayaran na pala ng upa bukas!" Bigla kong saad nang maalala ko ang petsa ngayon. Mukhang mababawasan na naman ang savings ko nito. Kinailangan ko na talagang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panaho-- "Wag kang babalik dito kung wala ka rin namang pambayad!" Nagulat ako nang may biglang inihagis na tao mula sa loob ng isang mamahaling bar dito sa gilid ng highway. Napasinghap ako at hindi maiwasang mapatakip sa aking bibig nang derektang tumama ang katawan niya sa semento. Dalawang malalaking bouncer lang naman ang nagpatalsik sa kanya mula sa loob at mukhang lasing na lasing ang lalake dahil hindi ko man lang narinig ang pagdaing nito kahit na mukhang masakit ang impact ng katawan niya. Wala ni isang tao ang tumulong sa kanya kaya napagpasiyahan kong lapitan ito. "S-Sir? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko habang nakayuko sa kanya. "Sh*t heads, I can pay--uggh!" At dumaing na nga ito nang itukod niya ang kanyang braso sa semento. "Ay nako, dahan-dahan lang po sir mukhang may galos kayo." Tinulungan ko itong mapatayo atsaka hinawakan ang kanyang braso. "F*ck!" "H-Hala! Pasensya na po! Pasensya na!" Napangiwi ako nang mahawakan ko ang sugat niya lalo na't napisil ko pa 'yon. "You're not helping at all." Napapikit ako sa sinabi niya bago ito sinubukang tulungan ulit. Pinamukha lang naman ng lalakeng 'to kung gaano ako ka walang silbi, ultimo pagtulong sa kanya ay puro palpak pa. Grabe ka naman kuya, ang rahas mong magsalita. Nang mapatayo ko na ito ay halos matumba na naman siya dahil sa kalasingan pero buti na lang at nahuli ko kaagad ang damit niya. Bigla niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya atsaka ito muling naglakad palayo ngunit hindi pa ito nakakalayo nang matumba na naman ito sa daan. Pinagtitinginan na siya ng mga tao rito sa labas. Ang gulo ng buhok niya, puno ng gusot ang kanyang suot, at amoy alak ito. Dapat hinayaan ko na lang ito pero heto at tinutulungan ko parin ito. "Mukhang hindi niyo po alam kung saan kayo pupunta, sir. Sabihin niyo na lang po sa'kin ang address ng bahay niyo at--" "F*ck off." "P-Pero mukhang kailangan niyo po ng tulong." "I said, f*ck off!" Muli itong naglakad papalayo atsaka kaagad na napahawak sa poste ng Meralco nang muntikan na naman itong matumba. "Kung ayaw mo ng tulong, bahala ka na!" Inis akong tumalikod atsaka tuluyang naglakad papalayo sa kanya. Tayo na nga 'tong nagmamagandang loob, tayo pa 'tong minumura at sinusungitan. Aba eh bahala siya sa buhay niya noh, swerte na nga ito at may handang tumulong sa kanya kahit na hindi siya nito kilala-- Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong malakas at sunod-sunod na pagbusina sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang lasing na lalake na tumatawid ng daan na kahit hindi tuwid ang pagkakatayo nito. "H-Hoy!" Nang makita ko ang isang truck na papalapit na sa direksyon nong lalake ay kaagad kong tinanggal ang aking suot na heels atsaka tinakbo ito. Kaagad kong hinila ang kwelyuhan niya bago kami sabay na napahiga sa pinakagilid ng daan. "Punyeta ka! Magpapakamatay ka ba?!" Hindi ko na maiwasang pagtaasan ito ng boses. Kaagad namang umubo yung lalake habang hawka-hawak ang kanyang leeg. "No, but I think you want to kill me." Umubo ulit ito at ngayon ko lang napagtanto na hila-hila ko paring ang kwelyuhan niya kaya naiipit ang daluyan ng hanging sa kanyang leeg. "P-Pasensya na!" Kaagad akong tumayo atsaka pinagpag ang aking suot. Inis kong sinuot muli ang aking heels bago ito tinulungang tumayo, buti na lang at hindi na ito umalma sa pagkakataong ito. Nakakausap pa naman ito pero pahirapan na kung kumilos. Buti at ganito ito kung malasing, may iba kasi na pati utak ay mukhang nalagyan din ng alak. Pero ang isang 'to, kakaiba... "I need a bed." "Walang kama rito sa daan," wika ko habang nakasakbit sa aking balikat ang isa niyang braso. Naglalakad kami ngayon papunta sa apartment ko dahil ilang metro na lang din naman ang layo nito mula rito. Habang magkadikit ang katawan namin ay hindi ko maiwsang maamoy ang pabango nito. Bakit parang pamilyar? Parang naamoy ko na ang pabango niya noon pero hindi ko maalala kung saan. "Ayos lang ba sa'yo na dalhin kita sa apartment ko?" "You're not going to rape me, don't you?" "Sira! Ano ako desperada?! Baka ikaw yung mang rape! Ulol!" Muntikan ko na itong bigwasan. Ang talas din pala ng dila ng isang 'to. Ganito ba talaga 'to kung malasing? Ipinasok ko na siya sa loob ng apartment ko nang makarating na kami. Kaagad kong binuksan ang ilaw bago ito pabagsak na inilapag sa sofa. "Argh, punyeta ang sakit ng likod ko kakapasan sa'yo." Reklamo ko habang hinihilot ang aking likod. Hindi na ito umimik. Nakabaon ang mukha niya sa sofa habang ang isa niyang paa ay nasa sahig. Napakamot ako sa aking ulo nang mapagtantong hindi siya kakasya sa sofa ko. Ang laki kasi niyang tao. Ngayon ko lang napansin ang isa niyang braso na puno ng tattoo. Unti-unti akong lumapit atsaka dahan-dahan na itinaas ang manggas ng kanyang suot kulay abong polo para mas makita ang tattoo niya. Ang ganda, halatang professional ang gumawa nito sa kanya. Parang totoo ang mukha ng isang leon doon, tas may iba pa itong tattoo bukod sa leon pero 'yon ang pinakamalaki. May kahulugan kaya ang mga tattoo niya? Mas maganda kasi kapag meron. "Ugghh." Kaagad akong umatras ng kumilos ito. Inihilig niya ang kanyang mukha sa kaliwa dahilan upang makita ko ang kanyang mukha. Ay hala s'ya! Ang pogi naman pala ng lasenggerong 'to. Ito na ata ang pinakagwapong lasenggerong nakita ko sa buong buhay ko. Ang tangos ng ilong, ang kapal ng kilay, mapupula ang medyo nakaawang niyang labi at ang pisngi niyang medyo namumula dahil sa alak. Ngayon ko lang din napansin na may tattoo rin ito sa leeg. Bigla niyang binuksan ang kanyang mga mata dahilan upang mapaigtad ako. Nakita ko kung paano ito napangiwi atsaka dahan-dahan na tumayo. "T-Teka lang, san ka pupunta?" "I need to pee." Nakasara na ang mga mata niya at nakaupo na ito ngayon sa sofa. Nanlaki ang aking mga mata nang tanggalin niya ang kanyang sinturon habang nakaupo parin ito. "H-Hoy! Wala ka pa sa banyo!" "I need to pee." "Punyeta ka talaga!" Dali-dali ko itong pinatayo atsaka iginiya papasok sa banyo ko. "Diyan! Diyan ka umihi, hindi sa sala ko!" Diyos ko, mukhang hanggang dito sa pamamahay ko ay masestress parin ako dahil sa estrangherong 'to. Sumandal ako sa pader dito sa labas ng banyo habang nakahalukipkip. Narinig ko ang pagtama ng ihi niya sa tubig ng kubeta. "Ugghh!" Biglang bumilog ang aking mga mata nang marinig ko itong umungol. "H-Hoy! Tapos ka na ba diyan?" Ano ba ang ginagawa niya sa loob? Hindi naman siguro ito nagsasarili hindi ba? Diyos ko, buti na lang talaga at wala si Mauvy dito dahil kung hindi, malaking problema ito. Biglang bumukas ang pinto ng aking banyo atsaka tumambad sa akin ang lalake na muntikan na namang matumba. "I need a bed." "Dito ka na lang sa sofa," wika ko habang tinutulungan parin itong maglakad. "I can't fit in the sofa." Napairap ako sa kanyang sinabi bago nilingon ang pinto ng aking kwarto atsaka ito tinungo. "Don't worry, I'll give back the favor." Rinig kong wika nito bago ko siya pabagsak na inilapag sa kama ko. "Aw! F*ck!" Napangiwi ako nang tumama ang ulo niya sa headboard ng kama ko. Diyos ko! Ilang kasalanan pa ba ang magagawa ko sa lalakeng 'to? Tsaka ngayon ko lang napansin na puro Ingles lang ang sinasabi niya, pero nakakaintindi naman ito ng tagalog. Baka hindi ito lumaki rito sa bansa. Nang makita kong komportable na itong nakahiga sa ibabaw ng kama ko ay hindi na ako muling nagsalita pa. Tinitigan ko ito ng mabuti at hindi maiwasang mapamangha sa angking kagawapohang taglay nito. Wala sa huwisyo akong lumuhod sa harap ng kama atsaka nakapalumbaba itong tinignan. Mukhang natutulog na ito ng mahimbing ngayon. Nang mapatitig ako sa labi niya, hindi ko maiwasang mapa-isip si Mauvy. Parehong-pareho sila ng hugis ng labi. Nang alalahanin ko ang mata niya kanina na nakabukas ay hindi ko rin maiwasang mapa-isip ang anak ko. Pareho rin sila ng hugis ng mga mata. Nagkataon lang kaya ito? Lumubog ang isang parte ng kama nang ilagay ko ang dalawa kong siko roon. Mas lalo kong tinitigan ang kanyang mukha ng malapitan. Ang gwapo niya talaga, may nobya na kaya ito? Asawa? O anak? Tinignan ko ang kanyang kamay, nang wala akong makitang singsing ay wala sa huwisyo akong napangiti pero kaagad din 'yon nawala nang mapagtanto ko kung ano ang aking iniisip. Bakit ako ganito kung makapag-isip? Maghunosdili ka nga, Mattea! Bakit pinagnanasahan mo ang estrangherong ito? "I don't want to asdfghjkl" Bigla akong napatingin sa lalake nang may sabihin ito. "H-Ha? May sinasabi ka ba?" Bulong ko sa kanya atsaka mas lalong inilapit ang aking mukha sa bibig niya. Baka kasi magsalita pa ito uli-- Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang isang kamay sa likod ng aking ulo. Naestatwa ako nang maramdaman ko ang labi ng estranghero sa labi ko. Wala sa huwisyo akong napahawak sa matigas niyang dibdib nang mas lalo niyang diniinan ang pagkakahalik sa aking labi. Tuluyan na nga akong nanghina nang ipasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. "T-Teka--! Hhmm!" Tuluyan na niya akong hinila sa kama atsaka niya ako dinaganan. Pero teka... ang labi niya... Bakit masyadong pamilyar ang halik niya? Na para bang minsan ko nang nahalikan ang lalakeng 'to kahit na ito pa ang una naming pagkikita? Ang bawat paghaplos niya sa aking katawan na halatang wala sa tamang katinuan dahil sa kalasingan ay masyado ring pamilyar. Bakit ganito? Bakit parang hinahanap-hanap ng katawan ko ang halik at haplos niya? "Hey... I don't know you, but my body suddenly wants you." Rinig kong bulong niya sa aking labi habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kamay ko. Malalim ang boses neto at halatang inaantok na pero nagawa niya parin akong tignan sa mata. "I'm drunk but I can still manage. So..." Napalunok ako nang buksan niya ng paunti-unti ang butones ng suot kong blouse. "Wanna have a good time with me?" Napasinghap ako nang bigla niyang kapain ang aking dibdib. "Hmm, they’re huge." Hindi ko alam kung papuri ba 'yon o ano, pero hindi ako nababastosan sa kanyang sinabi. "Don't worry, I'm good at bed and I can certainly prove it to you." Bulong niya habang inaamoy ang aking leeg. Nakikiliti ang aking leeg sa bawat paghinga niyang tumatama sa aking kutis. Wala sa huwisyo akong napatango sa kanya. A-Anong klaseng salamangka ba ang ginawa nng lalakeng 'to sa akin para mapasunod niya ang katawan ko? "Good, coz I don't want rejections." Bulong niya bago ako siniilan ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD