Mattea's POV "ANO?! IKAKAS--?!" Kaagad kong tinapunan ng isang unan ang mukha ni Gianna nang tumaas na naman ang boses nito. Tapos na kaming kumain at ako naman ay kasalukuyang nag-aayos dito sa loob ng kwarto. Wala si Mauvy ngayon dahil hiniram na naman ni Aling Susan. Ang dami talagang humihiram sa batang 'yon, kaya hindi ako nahihirapan sa tuwing may lakad ako eh at walang magbabantay sa kanya. "Konti na lang talaga at lalagariin ko na 'yang leeg mo." "Hoy, hindi nga? Seryoso ka ba diyan?" Saad ni Gianna sabay hatak sa akin dito sa gilid. "Oo, yun nga mismo ang sinabi nong babaeng naghahanap sa'kin kanina." Tugon ko sa kanya sabay bawi ng aking braso atsaka humarap ulit sa harap ng aking salamin. Alam na ni Gianna na si Mckenzie ang boss ko dahil ikinuwento ko sa kanya ang lahat-l