Mattea’s POV Hindi ako nakatiis. Nang makita kong tuluyan ng lumabas si Mckenzie sa lugar, kaagad ko itong sinundan. Ngunit pagkalabas ko, hindi ko na ito mahagilap. Tinakbo ko ang mahabang hallway papalabas atsaka inilibot ang aking paningin sa buong lugar. Nang may umilaw na isang sasakyan sa may di kalayuan, kaagad ko itong pinuntahan at kulang na lang ay takbohin ko ito. Awtomatiko kong binuksan ang passenger’s seat at basta-basta na lang pumasok sa loob kaya buong pagtataka akong nilingon ni Mckenzie. "What are you doing?" Kunot-noo niyang tanong nang makita akong prenteng nakaupo na rito sa tabi niya atsaka nakakabit na ang seatbelt. "Sasama sa'yo." "What?" "Sabi ko, sasama ako kako." "You're leaving the party for me?" Tanong niya na tila kinukumpirma ito kung sigurado ba